Ex-Speaker Belmonte pinarangalan dahil sa serbisyo publiko

Tinanggap ni former Quezon City Mayor at House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr. ang parangal mula sa Sino-Phil Asia International Peace Awards Foundation Inc.
Released

(As released) Pinarangalan ng Sino-Phil Asia International Peace Awards Foundation Inc. si former Quezon City Mayor at House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr. para sa kanyang dedikasyon sa larangan ng serbisyo publiko.

Iginawad kay Belmonte ang plaque of excellence at medallion of honor ng pamunuan ng SPAIPAFI kabilang sina Dr. Rose Gonzales, first vice president ng SPAIFAI; Prof. Sonny Chico, Senior VP/ COO ng SPAIPAFI; at Dr. Sergio Ortiz Luis Jr., chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Nakiisa rin sina H.E. Raduta Dana Matuche, ambassador, Romania Embassy to the Philippines at Dr. Reghis Romero II, Special Envoy of the President to Japan at PCol. Ebra Moxsir, Police Relations & Muslim Affairs director.

Nagpadala naman ng mensahe ng pagbati ang chairman ng SPAIPAFI na si Dr. Billy Chan at Dr. Heng Sukkong, director Indo China Region ng SPAIPAFI.

Kasabay nito, ipinasa rin ng Georgia State Senate sa pamamagitan ni Sen. Emanuel Jones ang Senate Resolution 850 na kumikilala kay Hon. Belmonte sa kanyang outstanding public service bilang dating house speaker at alkalde ng Lungsod Quezon.

Show comments