MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rapid antigen test bilang entry requirement ng mga biyahero na papasok sa Pilipinas sa kondisyon na isinagawa ito ng mga healthcare professionals.
Pero dapat certified ng isang healthcare professional ang resulta na isinagawa sa isang healthcare facility laboratory, clinic, pharmacy, o kahalintulad na establisimyento mula sa pinanggalingang bansa ng biyahero.
Nauna rito, tanging ang resulta lamang ng RT-PCR test ang tinatanggap mula sa mga biyaherong papasok ng Pilipinas.
Bukod dito, inaprubahan at kinikilala na rin ng IATF ang national COVID-19 vaccination certificates mula sa Bangladesh, Mexico, Pakistan at Slovak Republic para sa arrival quarantine protocols, at interzonal/intrazonal movement.