^

Bansa

Rapid antigen test ng biyahero sa Pinas, aprub

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Rapid antigen test ng biyahero sa Pinas, aprub
Pero dapat certified ng isang healthcare professional ang resulta na isinagawa sa isang healthcare facility laboratory, clinic, pharmacy, o kahalintulad na establisim­yento mula sa pinangga­lingang bansa ng biyahero.
Photo Release

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rapid antigen test bilang entry requirement ng mga biyahero na papasok sa Pilipinas sa kondisyon na isinagawa ito ng mga healthcare professionals.

Pero dapat certified ng isang healthcare professional ang resulta na isinagawa sa isang healthcare facility laboratory, clinic, pharmacy, o kahalintulad na establisim­yento mula sa pinangga­lingang bansa ng biyahero.

Nauna rito, tanging ang resulta lamang ng RT-PCR test ang tinatanggap mula sa mga biyaherong papasok ng Pilipinas.

Bukod dito, inaprubahan at kinikilala na rin ng IATF ang national COVID-19 vaccination certificates mula sa Bangladesh, Mexico, Pakistan at Slovak Republic para sa arrival quarantine protocols, at interzonal/intrazonal movement. 

IATF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with