House-to-house COVID-19 bakuna, utos ni Duterte
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalhin na sa bahay-bahay ang bakuna laban sa COVID-19 upang mas maraming mabakunahan.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag dahil marami pa rin ang mga hindi nagpapabakuna at hindi nagpapaturok ng booster shots.
“We’ll embark on a program last minute na mag-house to house na lang sa mga barangay. At ‘yung hindi pa nabakunahan–marami pa ‘yan, kailangan lumabas na at magpabakuna,” ani Duterte.
Tiniyak din niya na sapat ang suplay ng bakuna na binili ng gobyerno at hindi ito dapat masayang.
Kung hindi aniya magagamit ang mga malapit nang mag-expire ay ibibigay na lamang sa ibang bansa.
Nilinaw din ng Pangulo na hindi sobra ang suplay na binili ng gobyerno pero may mga Filipino na ayaw talagang magpabakuna, sabi pa nya.
Buwan lamang at hindi taon ang shelf life ng bakuna.
Nagbabala rin si Duterte sa New People’s Army na huwag gagalawin ang mga health workers na magpapatupad ng ‘last-minute program’ o mga magbabahay-bahay.
- Latest