MANILA, Philippines — Nananatiling liyamado sa pagkasenador ang dating broadcaster na si Raffy Tulfo (65.6%) sa pinakahuling Pulse Asia survey, kung saan siya ang "solo first place" sa 14 kumakandidatong may statistical change of winning sa Mayo.
Miyerkules lang nang sabihin ng research firm na halos lahat ng "probable winners" sa senatorial race sa ngayon ay panay incumbent o dati nang miyembro ng Konggreso:
Related Stories
- Raffy Tulfo (65.6%)
- Antique Rep. Loren Legarda (58.3%, 2nd-4th place)
- Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (56.4%, 2nd-5th place)
- Sorsogon Gov. Francis Escudero (54.4%, 2nd- 5th place)
- dating Department of Public Works and Highways Sec. Mark Villar (52.4%, 3rd-7th place)
- Sen. Sherwin Gatchalian (50.3%, 5th-7th place)
- Sen. Juan Miguel Zubiri (50.1%, 5th-7th place)
- Sen. Joel Villanueva (43.9%, 8th-10th place)
- Robin Padilla (42.5%, 8th-10th place)
- dating Bise Presidente Jejomar Binay (42.5%, 8th-10th place)
- dating Sen. Jinggoy Estrada (36.5%, 11th-14th place)
- dating Sen. JV Estrada Ejercito (35.9%, 11th-14th place)
- Sen. Risa Hontiveros (35.6%, 11th-14th places)
- dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (34.3%, 11th-14th place)
"With less than two (2) months to go before the May 2022 polls, 58% of likely voters are naming 12 of their preferred senatorial candidates (i.e., out of a maximum of 12)," paliwanag ng Pulse Asia kanina.
"Likely voters are naming an average of 10 of their favored senatorial candidates, with mean figures ranging from 8 to 11 across areas and classes."
Pebrero lang nang maging numero uno rin sa mga senatorial candidates si Tulfo, na kilala para sa kanyang mga "hard-hitting" at kontrobersyal na programa sa telebisyon, radyo at Youtube. Dati rin siyang naging news anchor para sa TV5.
Hindi pa rin nakakapagdesisyon ang nasa 1.8% ng mga botante habang 1.7% naman ang nagsabing wala silang susuportahang senatorial bet.
Tumanggi naman ang nasa 0.2% ng respondents na pangalanan kung sinu-sino ang mga ilalagay nila sa kanilang balota sa naturang posisyon sa lehislatura.
Ika-16 lang ng Pebrero nang ianunsyo ng Commission on Elections Second Division na ibinabasura nila ang petisyong ikansela ang certificate of candidacy ni Tulfo.
Ang reklamo ay nagmula kay Julieta Pearson na iginigiit na siya ang ligal na asawa ni Raffy. Una na kasing pinangalanan si Jocelyn Tulfo bilang maybahay ng senatorial candidate. — James Relativo