^

Bansa

Robredo voters lumobo habang Marcos dumapa nang kaonti sa survey — Pulse Asia

James Relativo - Philstar.com
Robredo voters lumobo habang Marcos dumapa nang kaonti sa survey — Pulse Asia
Litrato nina 2022 presidential candidates Bise Presidente Leni Robredo (kaliwa) at dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (kanan)
Philstar.com / Jazmin Tabuena; Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines (Updated 1:14 p.m.) — Bahagyang nabawasan ang mga Pinoy na iboboto sa pagkapangulo si survey frontrunner Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. habang umakyat naman ang mga nagsabing kay Bise Presidente Leni Robredo sila ngayong Mayo 2022, ayon sa Pulse Asia.

Ito ang lumabas na resulta, Miyerkules, matapos ang pag-aaral na ginawa mula ika-17 hanggang ika-21 ng Marso sa 2,400 katao mula Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Sinagot ng respondents ang sumusunod na tanong: "Sa mga taong nasa listahang ito, sino ang inyong iboboto bilang PRESIDENTE NG PILIPINAS kung ang eleksyon ng Mayo 2022 ay gaganapin ngayon at sila ang mga kandidato?"

Narito ang mga resulta:

  • Bongbong Marcos (56%)
     
  • Leni Robredo (24%)
     
  • "Isko Moreno" Domagoso (8%)
     
  • Manny Pacquiao (6%)
     
  • Ping Lacson (2%)
     
  • Faisal Mangondato (1%)
     
  • Ernie Abella (0.1%)
     
  • Jose Montemayor Jr. (0.05%)
     
  • Leody de Guzman (0.02%)
     
  • Norberto Gonzales (0%)
     
  • Hindi paalam/Tumanggi sumagot/Wala (3%)

Kapansin-pansing bumaba si Marcos sa bagong labas na survey, gayong nasa 60% ang nagsabing iboboto siya sa pag-aaral na isinagawa noong Pebrero.

Tumaas naman ng siyam na puntos si Robredo sa bagong survey gayong nasa 15% lang siya sa pag-aaral na inilabas noong nakaraang buwan.

Matatandaang hindi pa nangyayari ang mga higanteng mga campaign rallies ni Robredo noong isinagawa ang survey na inilabas noong nakaraang buwan. 

"Former Senator Ferdinand Marcos, Jr. remains the frontrunner in the May 2022 presidential race (56%) while Manila Mayor Francisco Domagoso posts the highest second-choice voter preference (23%)," ayon sa pahayag ng Pulse Asia.

"[F]ew significant changes in voting figures occur between February 2022 and March 2022, with Vice-President Maria Leonor G. Robredo gaining support (+9 percentage points)"

Ayon pa sa research firm, halos walang nagbago mula sa February at March surveys maliban kina Marcos at Robredo. 

Bumaba nang 5% ang electoral support kay BBM sa class D habang tumaas naman kay Robredo hindi lang sa buong Pilipinas (9%) kundi pati sa buong Luzon (14%), Mindanao (9%) at Class D (10%).

'Epekto ng pagbuhos ng suporta kay Robredo'

Ikinatuwa naman ng kampo ni VP Leni ang kinalabasan ng Pulse Asia survey at sinabing dahan-dahan nang pumipihit pabor sa kanila ang mga numero kasabay ng biglaang paglaki ng suporta sa bise presidente nitong mga nagdaang buwan at linggo. Tinawag nila itong "turning of the tide."

"The survey numbers are starting to reflect what we have been seeing on the ground all along: the massive crowds, the fierce passion, the untiring commitment of Filipinos from all walks of life, coming together to rally behind Leni Robredo's bid for the Presidency," ani Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo.

"This 13-point swing going into the last two months of the campaign clearly establishes what we have long known: that VP Leni has the momentum, which we expect will only further intensify and accelerate all the way to May 9."

Aniya, malaki raw ang nagagawa sa ngayon ng kanilang supporters na patuloy sa pagbabahay-bahay at pagkumbinsi sa kapwa.

Duterte-Carpio patuloy pamamayagpag sa VP race

Samantala, patuloy namang nangunguna si UniTeam bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio pagdating sa pagkabise presidente matapos makakuha ng 56%. Sinundan naman siya nina Senate President Vicente Sotto III (20%) at Sen. Francis Pangilinan (15%).

"For the period February 2022 to March 2022, the only marked changes in first-choice voter preferences for vice-president are recorded by Senate President Sotto and Senator Pangilinan," dagdag pa ng Pulse Asia.

"Support for the former eases in the rest of Luzon (-9 percentage points) while the reverse occurs in the latter’s case (+9 percentage points)."

Isinagawa ang Ulat ng Bayan survey sa sariling kapasidad ng research organization at hindi kinomisyon ninuman.

Bagama't ganito ang mga numero, hindi ibig sabihing ang mga nabanggit na ang mananalo sa Mayo. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

LENI ROBREDO

PULSE ASIA

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with