^

Bansa

DOH nanawagan sa Simbahan: 'Pahalik' bawalan ngayong Holy Week

James Relativo - Philstar.com
DOH nanawagan sa Simbahan: 'Pahalik' bawalan ngayong Holy Week
Hijos Del Nazareno set up the Black Nazarene at Bureau Fire Protection headquarters on January 5, 2021.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa simbahan na tigilan muna ang mga "pahalik" ngayong Mahal na Araw sa mga rebulto nina Hesukristo at mga santo dahil pa rin sa patuloy na banta ng COVID-19.

Ito'y matapos ibalik ng simbahan ng Quiapo ang tradisyunal na "pahalik" sa Itim na Nazareno noong ika-1 ng Abril ngayong Alert Level 1 sa Metro Manila — bagay na dalawang taong itiginil dulot ng nakamamatay na COVID-19.

"Alam po natin na [COVID-19] can be transmitted through droplet infection na maaari na makapagpasa-pasa at pumasok sa ating ilong at bibig kung tayo ay hahalik sa isang Poon na hinalikan paulit-ulit ng iba't ibang tao," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes, sa isang media forum.

"Ito po ay maaaring maging means of transmitting the virus as well."

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, noong isang linggo pa ay naglabas na sila ng paalala sa mga mananampalataya at simbahan pagdating sa nasabing practice, lalo na't hindi pa natatapos ang pandemic.

Lunes lang nang sabihin ng DOH na binabantayan nila ang pagkakaroon ng lubhang mas nakahahawang "Omicron XE" sa Thailand, isang bansang malapit sa Pilipinas.

"So we just advise and we request our churches, kung maaari lang po sana itong practice na ito ay hindi na muna natin ipatupad... [S]ana po, itong practice na ito, maiwasan para hindi na po tayo magkaroon ng pagtaas ng kaso kung saka-sakali," paalala pa ni Vergeire kanina.

"Meron naman po tayong ibang bagay o ways kung paano po tayo makakapagpakita ng devotion sa ating mga santo, sa ating pong mga pinupuntahang simbahan."

'Bawal pa ring i-kiss ang Nazareno'

Una nang inilinaw ni Quiapo Church parochial vicar Douglas Badong na pinapayagan lang ang mga deboto ng Itim na Nazareno na lumapit sa imahe mula 4 a.m. hanggang sa pagsasara ng simbahan. Sa kabila nito, bawal pa rin daw ang aktwal na paghalik dito dahil meron pa ring naitatalang kaso ng COVID-19.

Paliwanag ni Badong, tumutukoy ang "pahalik" hindi lang sa paghalik sa Black Nazaren kundi pati na rin sa paglapit sa imahen.

"Devotees may once again touch the image of the Black Nazarene located above the main altar of the Quiapo Church," ani Badong sa Radio Veritas.

"We appeal to our devotees to queue properly and observe the safety protocols."

Bawal pa rin naman daw ang pagpahid ng panyo o anumang uri ng tela sa imahen. Bukod pa rito, may itatalaga naman daw na team para i-sanitize ang kamay ng mga deboto bago sila payagang humawak sa Nazareno.

Sa kabila nito, hindi raw nila lilimitahan ang bilang ng deboto na gugustuhing hawakan ito.

Lunes lang nang umakyat sa 3.67 milyon ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa. Sa bilang na 'yan, 59,365 na ang namamatay.

CATHOLIC CHURCH

DEPARTMENT OF HEALTH

ITIM NA NAZARENO

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with