DOH binabantayan banta ng 'mas nakahahawang' Omicron XE sa Thailand

People walk past vegetables on sale at a market in Quezon city, suburban Manila on January 27, 2022.
AFP / Maria Tan

MANILA, Philippines — Pinapayuhan ngayon ng Department of Health (DOH) ang publiko na patuloy sa pagpabakuna laban sa COVID-19 ngayong namataan na ang Omicron XE — na kinatatakutang "pinakanakahahawang COVID-19 variant" sa ngayon — sa Bangkok, Thailand.

Ika-29 lang ng Marso nang magbabala ang World Health Organization (WHO) patungkol sa XE recombinant (BA.1-BA.2) ng Omicron variant, na siyang unang na-detect sa United Kingdom.

"The Department of Health (DOH) is in constant coordination with the World Health Organization (WHO) regarding the reported 'Omicron XE' detected in Bangkok, Thailand," ayon sa DOH, Lunes.

"Observation and monitoring are still ongoing on whether the variant would be categorized as a sub-variant of Omicron or a new variant to be named by WHO should it display any significant change in characteristics."

Patuloy naman daw mino-monitor ng DOH, sa tulong ng Philippine Genome Center, ang case trends at nagsasagawa ng genomic surveillance activities sa gitna ng bago at existing variants.

Ipinagpapatuloy naman daw nilang ipatutupad ang 4-door stretegy ng gobyerno para mapigilan ang inisyal na pagpasok ng mga variants sa bansa.

"In this light, the DOH reminds the public that vaccines, in addition to adhering to the minimum public health standards and now more importantly, everyone, especially our elderly, the immunocompromised, those with comorbidities, and children are highly encouraged to get vaccinated and boosted," sabi pa ng Kagawan ng Kalusugan.

'Mas nakakahawa pa sa karaniwang Omicron'

Ayon sa WHO, posibleng mas nakahahawang pa sa nakahahawa na ngang BA.2 variant ng Omicron, ang Omicron XE.

Tinagurian ang BA.2 bilang "Stealth Omicron" dahil sa katangian nitong mas mahirap ma-detect. Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinakakaraniwan ito sa local cases sa bawat rehiyon.

"Early-day estimates indicate a community growth rate advantage of ~10% as compared to BA.2, however this finding requires further confirmation," ayon sa WHO noong nakaraang buwan.

"XE belongs to the Omicron variant until significant differences in transmission and disease characteristics, including severity, may be reported."

Disyembre nang bumaba sa halos 500 lang ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ngunit tumaas ito papunta sa record-high noong Enero matapos makapasok ang Omicron variant.

Show comments