Vote counting machines ipinamahagi na ng Comelec
MANILA, Philippines — Inumpisahan na kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapamahagi ng mga ‘vote counting machines (VCMs) sa iba’t ibang panig ng bansa bilang paghahanda sa darating na eleksyon sa Mayo 9.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na Sabado ng hatinggabi nila inumpisahan ang delivery ng mga VCM at iba pang suplay para dito. Dadalhin muna ang mga ito sa mga bodega ng Comelec na siyang magiging ‘transit points’.
Tatagal umano ang delivery sa mga bodega ng dalawang linggo habang hinikayat ng Comelec ang mga kinatawan ng mga partidong politikal, ibang stakehoders at mga media sa pagsi-seal sa mga trak na magde-deliver sa mga kagamitan.
Mula sa mga ‘transportation warehouses’, idi-deliber ang mga kagamitan sa mga ‘polling precincts’ sa angkop umano na oras.
- Latest