^

Bansa

700K GSP members target mabakunahan vs COVID-19 sa SM malls

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Girls Scout of the Philippines (GSP) na ito na ang pagkakataon ng kanilang miyembro na ipakita ang pagsasakatuparan ng kanilang tungkulin kabilang na ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Sa pagtutulungan ng GSP at SM Malls, sinimulan kahapon ang pagbabakuna sa ilang batang miyembro ng GSP sa 78 SM malls sa buong bansa. Target nitong mabakunahan ang nasa 700,000 miyembro sa buong Pilipinas.

“This is our commitment to the future women leaders of our nation– to give them a chance to have a safer, better normal. And one of the ways we can do that is through providing them with an accessible and convenient COVID-19 vaccination experience. We encourage all Girl Scout members, parents, and volunteers participating in various GSP activities to join us on April 2 and get vaccinated against COVID- 19,” ani SM Supermalls President, Steven Tan.

Hinihikayat ang lahat ng GSP members na may edad 5 -17 gayundin ang kanilang pamilya na magpabakuna sa alinmang sangay ng SM malls upang makaiwas sa hawaan ng virus.

Kailangan lamang magparehistro, dalhin ang ID, school records, birth certificate at magsuot ng GSP uniform ang magpapabakuna.

Nagpasalamat naman si GSP president Nina Lim-Yuson sa pamunuan ng SM sa suporta sa pediatric vaccination.

Sa ngayon nasa 10 mil­yong doses na ng bakuna ang naisagawa sa 71 malls ng SM sa buong bansa.

vuukle comment

GSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with