^

Bansa

DOH: Takot sa 'Avian Flu' outbreak sa 'Pinas? Human transmission mababa

James Relativo - Philstar.com
DOH: Takot sa 'Avian Flu' outbreak sa 'Pinas? Human transmission mababa
File photo ng mga manok sa isang poultry farm
AFP, File

MANILA, Philippines — Humingi ng hinahon ang Kagawaran ng Kalusugan sa publiko ngayong meron nang "Avian Flu" outbreak sa Pilipinas, bihira lang daw kasi ang kaso na naililipat ito mula sa ibon patungo sa tao.

Kamakailan lang kasi nang maiulat uli ang pagkalat ng avian influenza o bird flu sa iba't ibang probinsya, gaya na lang sa Bataan, Camarines Sur, Laguna, Nueva Ecija at Tarlac.

"Nagdeklara po ang Kagawaran ng Agrikultura ng Avian Flu outbreak kahapon. Gayunpaman, hindi kinakailangang mag-aalala ang publiko bilang ang chance po ng transmission [ng sakit] sa mga tao ay mababa," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes, sa press briefing ng Palasyo.

"Ayon po sa World Health Organization, ang transmission from birds to humans at humans to humans ng Avian Flu ay napaka-rare. Ibig sabihin, hindi po madalas nangyangyari."

Nag-utos na si Agriculture Secretary William Dar ng mas mahigpit na containment measures laban sa sakit, lalo na't may peligro rin sa kalusugan ng tao. Kaugnay nito, tiniyak ni Dar nitong Martes na "under control" na ang outbreak pagdating sa ilang farms ng itik at pugo sa Luzon.

Matatandaang nagpatupad ng "ban" ang Cebu pagdating sa mga poultry products mula sa kapuluan ng Luzon bilang pag-iingat.

Bihira sa tao pero delikado

Ayon sa WHO, kahit "highly infectious" ang H5N1 type ng influenza sa mga ibon ay mahirap itong mailipat sa tao. Lahat daw ng taong tinamaan nito ay nagkaroon ng close contact sa buhay o patay na ibon, o iba pang H5N1-contaminated environments:

The virus does not infect humans easily, and spread from person to person appears to be unusual. There is no evidence that the disease can be spread to people through properly prepared and thoroughly cooked food.

Sa kabila nito, peligroso pa rin daw ito sa tao at maaaring magdulot ng malalang karamdaman, bukod pa riyan meron din daw itong "high mortality rate." Ibig sabihin, madalas ang kamatayan oras na magkaroon ng human transmission.

If the H5N1 virus were to change and become easily transmissible from person to person while retaining its capacity to cause severe disease, the consequences for public health could be very serious.

Pero hindi naman daw dapat mangamba lalo na't may mga magagawa naman daw upang maiwasan ito, payo ng DOH.

"Umiwas po muna tayo sa paglapit dito p sa mga wild birds, dito po sa mga ibong may sakit, o doon po sa mga tao na naging close contact ng mga ibon o mga fowls na may sakit," patuloy pa ni Vergeire.

"Tandaan po natin, ang Avian Flu po is respiratory infection. Ibig sabihin, 'yun pong ginagawa nating [COVID-19] minimum public health standards ngayon, katulad ng pagsusulot ng mask, paghuhugas lagi ng kamay, pag-iwas sa taong may sakit ay magiging epektibo rin po ito kung saka-sakaling magkakaroon ng infection ng Avian Flu sa ating bansa."

AVIAN FLU

BIRD FLU

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF HEALTH

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with