^

Bansa

Apektado ng pagputok ng Bulkang Taal lagpas 7,000 na — NDRRMC

Philstar.com
Apektado ng pagputok ng Bulkang Taal lagpas 7,000 na — NDRRMC
Residents living near Taal volcano ride a vehicle as they evacuate to a public school in Laurel, Batangas, on March 26, 2022, after an eruption earlier in the morning sent ash and steam hundreds of metres into the sky.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Lalo pang dumami ang bilang ng apektado ng pagputok ng Bulkang Taal noong nakaraang weekend, dahilan para lumobo pa lalo ang mga lumikas patungo sa mga evacuation centers.

Ayon sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Huwebes, aabot na sa 7,237 katao ang naapektuhan ng nasabing  pagsabog noong Sabado dahilan para itaas ng Phivolcs ang bulkan sa Alert Level 3.

Katumbas ito ng 2,047 pamilya sa ngayon mula sa rehiyon ng Calabarzon. Sinasabing nasa 20 lungsod at munisipalidad ang apektado ngayon, kasama na ang 18 baranggay.

Kabilang na riyan ang 6,117 na kinailangang lumikas (displaced persons) mula sa kanilang mga tahanan:

  • nasa evacuation centers (4,165)
  • nasa labas ng evacuation centers (1,952)

Wala pa mang datos ang NDRRMC pagdating sa pinsalang itinamo nito sa imprastruktura at agrikultura, nakapaglabas na ng P1.23 milyong halagang tulong pinansyal ang provincial government ng Batangas, mga local government units at Deparmtent of Health. Kasama na riyan ang:

  • family food packs
  • gamot
  • surgical masks
  • N95 masks
  • face shield
  • gloves
  • cover all
  • collapsible drinking water
  • atbp.

Wala namang naitalang volcanic earthquakes ang Phivolcs sa nakaraang 24 oras, ngunit merong ilang low level background tremor.

Mula ika-30 ng Marso, nakapaglabas ng 6,405 tonelada sulfur dioxide flux ang bulkan. Maliban pa 'yan sa ibinugang plume na umabot ng 1,500 metrong kataas (moderate emission).

Bawal pa rin sa ngayon ang:

  • pagpasok sa Taal Volcano Island (permanent danger zone) at high-risk baranggays ng Agoncillo at Laurel, Batangas sa ngayon
  • lahat ng aktibidad sa Taal Lake
  • pagpapalipad ng anumang eroplano malapit sa bulkan

Kahapon lang nang ianunsyo sa state media na suspendido muna ang mga klase sa 19 paaralan sa probinsya ng Batangas kaugnay ng nasabing pagputok ng bulkan. — James Relativo

BATANGAS

NDRRMC

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with