MANILA, Philippines — Suspendido muna ang ilang klase sa probinsya ng Batangas kasabay ng patuloy na pag-aaboroto ng Bulkang Taal ngayong nasa Alert Level 3 ito.
Sabado lang magkaroon ng panandaliang phreatomagmatic burst sa Taal Volcano Main Crater na nasundan ng halos tuloy-tuloy na phreatomagmatic na pagputok na lumikha ng plume na may taas na 1,500 metro. Meron din itong kasamang volcanic earthquake at infrasound signals.
Related Stories
"['Yung] dito sa Batangas ay ‘yung mga schools na na identified as permanent danger zones,‘yung na-identify na na they are already compromised, they could be compromised ‘pag mag-escalate ang ating pagputok ng volcano, nag-suspend tayo ng classes," ani Education Secretary Leonor Briones sa talumpati ni Duterte na inere, Miyerkules.
"Mga 19 ka schools nagsuspend na tayo ng classes dahil ang primary ano natin ay the protection of the children."
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kanina, narito ang mga naging epekto ng naturang pagputok ng bulkan:
- apektadong tao (6,568)
- napalikas na tayo (5,925)
- nasa loob ng evacuation centers (4,039)
- basa labas ng evacuation centers (1,886)
Aabot sa apat na tremor events ang nangyari sa nakalipas na 24 oras na tumagal ng dalawang hanggang limang minuto kasabay ng low-level background tremor, ayon sa Phivolcs kanina.
Umabot din ng 1,500 metro ang taas ng plumes. Aniya, katamtaman (moderate) lang ang emission at nagtungo ito timogkanluran at hilagangkanluran.
BULKANG TAAL
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) March 30, 2022
Buod ng 24 oras na pagmamanman
30 Marso 2022 alas-5 ng umaga #TaalVolcano
Filipino:https://t.co/P8PefLnZEy
English:https://t.co/wipKGGeCsa pic.twitter.com/WmpjzJfqHy
Bawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island at high-risk baranggays ng Agoncillo at Laurel sa ngayon. Hindi rin paghihintulutan ang pamamalagi at pagpalaot sa lawa ng Taal maliban pa sa paglipad ng anumang aircraft malapit sa bunganga ng bulkan.
"And then kung patuloy pa rin ang pag-escalate nitong situation — and we pray that it will simmer down — we will be making physical visits because during the last two explosions of Taal, I physically visited Taal and other places where there were also natural disasters," ayon pa kay Briones.
Huling pumutok nang malakas ang Taal noong Enero 2020 na siyang namerwisyo, nagpalikas nang marami at nakapinsala sa maraming ari-arian. Umabot din noon hanggang Metro Manila ang peligrosong ash fall. — James Relativo