^

Bansa

Red-tagging ni Duterte vs Makabayan 'desperasyon' laban kay Robredo — grupo

James Relativo - Philstar.com
Red-tagging ni Duterte vs Makabayan 'desperasyon' laban kay Robredo — grupo
Sa file photo na ito, makikitang kinakaharap ng Makabayan bloc ang media sa isang press conference
Released/Makabayan bloc, FIle

MANILA, Philippines — Kinundena ng Bayan Muna party-list ang muling pag-uugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aktibistang mambabatas ng Makabayan bloc sa lihim na rebelyong komunista bago ang 2022 elections — bagay na ginagawa raw para idiskaril ang paglakas ng suporta kay presidential bet at Bise Presidente Leni Robredo.

Martes ng gabi nang sabihin ni Digong na "hindi dapat iboto" ang mga progresibong party-lists na nag-endorso kay Robredo sa darating na halalan dahil kaalyado diumano sila ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People's Army (NPA):

[I]tong mga party-list na Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, Alyansa of Concerned Teachers or ACT at Gabriela... Ang problema they are supporting or they are really parang legal fronts ng [CPP]... Dalawang ulo nito. Miyembro ng Congress, suweldado, at hindi lang part time... Iyan ang totoo. Huwag ninyong iboto 'yan kay kung iboto ninyo ‘yang party-list.

"[This is] a desperate election squid tactic to create a wedge in the growing numbers of the political opposition that support the Leni-Kiko tandem, as well as to prevent the eventual reelection of progressive partylists  to Congress," ani House Deputy Minority leader Carlos Zarate (Bayan Muna), Miyerkules.

"This recent attack of the redtagger-in-chief may be a prelude to more intensified harassment against the progressive bloc and the broad political opposition, including Vice President Leni Robredo herself, to stop the momentum of her snowballing campaign that endangers Marcos Jr.'s supposed lead in the surveys."

Matagal nang binabanatan ni Duterte ang mga aktibista sa loob ng Konggreso pati na yaong mga nasa kalye. Ito'y kahit na dating palakaibigan sa kanila ang pangulo.

Pangamba pa nina Zarate, maaaring lalong tanggalin ng presidente sa mata ng publiko ang pagkakaiba ng mga ligal na aktibista at armadong rebelde, na siyang nagbubunsod daw lalo ng karahasan laban sa kanilang mga kasapian.

Dati nang inilutang ng Armed Forces of the Philippines ang "Red October Plot" na ginawa raw ng Makabayan bloc, mga relihiyoso, artista, atbp. kritiko para "pabagsakin ang gobyernong Duterte," bagay na walang batayan, ayon sa maraming grupo. Pinangalanan pa ng militar ang "Caloocan City College" kung saan nagrerekrut daw ang mga rebeldeng komunista. Hindi nag-e-exist ang paaralang ito.

"In all these accusations, no credible evidence was presented against the Makabayan Bloc was ever presented, except for innuendoes and hearsays coming from perjured witnesses," dagdag pa ng Bayan Muna representative.

"The real intent of this attack is to immobilize us. They know that the Makabayan bloc's whole machinery is now being mobilized not only to expose the corruption issues and other anomalies of the Duterte administration... but more importantly to work hard and campaign for the candidacy of the Leni-Kiko tandem and to defeat the  candidates of dictatorship and tyranny being peddled by Pres. Duterte."

Kahit magkahalintulad ang mga ligal na aktibista at mga rebeldeng komunista sa mga prinsipyo pagdating sa maraming bagay, walang armas ang una. 

'Batay sa intelligence information'

Iginiit naman ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na alam ni Duterte ang kanyang mga sinasabi lalo na't may batayan daw ang mga ito at hindi basta hinugot sa hangin.

"Alam naman natin na ang pangulo ay may access sa lahat ng impormasyon, kasama na ang sensitive information mula sa intelligence community," ani Andanar sa isang media briefing kanina.

"Tiwala kaming may basehan po ang mga ito at ang sinabi ng ating pangulo ay dahil nais niyang maprotektahan ang mga mag-aaral na nasa kolehiyo na hinihikayat na sumali sa kanilang [grupo]."

Ika-22 lang ng Marso nang sabihin ni Digong na na-"infiltrate na ng mga rebeldeng komunista" ang partido pulitikal ng isang kumakandidato sa pagkapangulo. Hindi pinangalanan noon ni Duterte ang kandidato ngunit sinabing galing daw sa oposisyon ang mga nakikipag-alyado sa mga komunista.

Marso lang nang banatan ni Robredo ang mga nagre-redtag sa kanya at mga nagpapakalat na ipadedeklara niyang "pambansang bayani" si CPP-NPA founder Jose Maria Sison.

Enero 2022 lang nang isama si Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares sa slate ng opposition group na 1Sambayan, na siyang dinadala rin ang kandidatura ni Robredo.

2022 NATIONAL ELECTIONS

ACTIVISM

BAYAN MUNA PARTY-LIST

LENI ROBREDO

MAKABAYAN BLOC

RED-TAGGING

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with