Balikatan Exercise 2022, simula na - AFP

Pinangunahan nina US Marine Corps MajGen. Jay Bargeron (kanan) at Philippine Navy MajGen. Charlton Sean M. Gaerlan ang paglaladlad ng Balikatan Flag para pormal na buksan ang 2022 Balikatan Military exercise, sa seremonyang ginawa kahapon sa Camp Aguinaldo.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Pormal nang binuksan nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino at US Embassy Charge d’ affaires Heather Variava ang Balikatan 2022, kahapon ng  umaga sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay General Centino, layon ng taunang pagsasanay na masiguro na ang AFP at US military ay laging handa na rumes­ponde sa anumang krisis o emergency sa lahat ng pagkakataon.

Ang Balikatan 2022, na ika-37 pagkakataon na isinagawa ang RP-US Joint Military Exercise, ang pinakamaikli sa kasaysayan nito.

Ang RP-US Joint military Exercise ay lalahukan  ng 3,800 tauhan ng AFP at 5,100 miyembro ng US military.

Tampok sa mga aktibidad ngayong taon ang Amphibious Operations Exercise sa Claveria, Cagayan at ang Combined Arms Live Fire Exercise sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Tarlac.

Bukod sa mga combat exercises, lalahok din ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa humanitarian at civic assistance projects at pagsasagawa ng community health activities.

 

Show comments