MANILA, Philippines — May katapat na parusa ang pamimili at pagbebenta ng boto, babala ng Malacañang sa publiko.
Ayon kay acting Deputy Presidential Spokesperson and Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan, ipinagbabawal sa Omnibus Election Code ang vote-buying at vote-selling.
“The Palace reminds the Filipino people that vote-buying and vote-selling are prohibited acts under the Omnibus Election Code,” ani Ablan.
“Anyone found guilty of these prohibited acts under the Omnibus Election Code [will] face penalties of imprisonment and fine,” dagdag ni Ablan.
Ipinaalala rin ni Ablan sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards dahil hindi pa idinideklarang tapos na ang pandemic.
“Kumpiyansa kaming mananatiling maging alerto ang ating mga kababayan sa pagsisimula ng local election campaign period,” ani Ablan.