Local campaign arangkada na
MANILA, Philippines — Arangkada na ngayong araw ang campaign period para sa lokal na halalan sa bansa.
Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na magpapakalat sila ng mas marami pang tropa ng pamahalaan sa 40 hanggang 50 lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
“As far as we know, nasa more or less 40 to 50 lang naman itong areas na ito. Pagde-deploy-an natin ng additional uniformed troops,” ayon kay Año.
Siniguro rin naman ng DILG chief na imo-monitor nila kung tumatalima ba ang mga kandidato sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Nilinaw naman kahapon ng DILG na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyan ng mga local government units (LGUs) sa pangangampanya para sa halalan.?Kasunod ito ng mga ulat hinggil sa paggamit umano ng LGU vehicles sa mga campaign rallies.
Ayon kay Año, ang mga resources ng pamahalaan, kabilang ang manpower, materyal at pinansiyal, ay hindi dapat na gamitin sa kampanya.
“Yes, may mga report tayo na ganyan, ‘yung hinahakot at ang ginagamit ay LGU vehicles. Bawal ‘yan. Hindi pupuwede ‘yan,” pahayag pa ng kalihim.
- Latest