^

Bansa

Full implementation ng price cap sa gamot ipatutupad na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Full implementation ng price cap sa gamot ipatutupad na
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tumaas na ang bilang ng gamot na may maximum retail price sa 121 molecules o 204 formulations. Ipinatupad ang unang round ng price regulation noong Hunyo 2020 na sakop naman ang nasa 84 molecules.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inumpisahan nang ipatupad ng Department of Health (DOH) ang buong implementasyon ng price cap sa mga gamot base sa Executive Order 155 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tumaas na ang bilang ng gamot na may maximum retail price sa 121 molecules o 204 formulations. Ipinatupad ang unang round ng price regulation noong Hunyo 2020 na sakop naman ang nasa 84 molecules.

Sakop ng EO 155 ang mga pangunahing gamot sa bansa laban sa mataas na presyon ng dugo, diabetes, mataas na kolesterol, hika, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), at iba’t ibang uri ng kanser.

Kasama rin dito ang mga espesyal na gamot sa ‘chronic kidney disease, organ transplantation, thalassemia, psoriasis, rheumatoid arthritis, at lupus.’

Ang Maximum Drug Retail Price (MDRP) ang pinakamataas na presyo ng gamot na maaaring singilin ng isang retailer sa isang konsyumer.

Dahil dito, bababa umano ng 40% ang presyo ng gamot na maaaring umabot ng hanggang 93% sa ilang piling droga.

Bukod sa MDRP, kailangan pa ring bigyan ng espesyal na diskuwento ang mga senior citizens at mga persons-with-disability (PWDs).

Ang mga lalabag dito ay maaaring patawan ng multang administratibo at penalty na mula P50,000 hanggang P5 milyon base sa itinatadhana ng Republic Act 9502 o ang Cheaper Medicines Act.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with