^

Bansa

Bodega ng Comelec binuksan sa publiko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bodega ng Comelec binuksan sa publiko
Sa Sta. Rosa Comelec warehouse sa Laguna isinasagawa ang pagsasaayos ng mga SD (Secure Digital Memory Card) cards na gagamitin sa mga vote counting machines habang sa NPO naman inililimbag ang mga balota.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines —  Binuksan na sa publiko ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang bodega sa Sta. Rosa, Laguna at ang National Printing Office (NPO) bilang tanda ng pagnanais na maging malinaw sa taumbayan ang kanilang mga paghahanda sa halalan sa Mayo 9.

Sa Sta. Rosa Comelec warehouse sa Laguna isinasagawa ang pagsasaayos ng mga SD (Secure Digital Memory Card) cards na gagamitin sa mga vote counting machines habang sa NPO naman inililimbag ang mga balota.

“We already opened for public viewing the Sta. Rosa Comelec warehouse in Laguna where the SD cards are being configured and National Printing Office where the official ballots are being printed to different stakeholders including but not limited to political parties and the media,” ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.

Anya, nakataya sila sa pagiging tapat at malinaw ng mga proseso sa halalan sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Ito ang dahilan kaya pagkatapos niyang umupo ay pinayagan agad niya ang mga tagamasid sa ‘livestreaming’ sa kanilang mga aktibidad ng hindi nako-kompromiso ang seguridad ng mga dokumento at maging ang sistema ng Comelec.

Ngayong Huwebes, magtutungo muli sina Pangarungan at ibang opisyal sa NPO sa Quezon City at sa kanilang bodega sa Pasig City kasama ang mga stakeholders para sa ‘random sampling’ at inspeksyon ng mga naimprentang opisyal na balota. (Danilo Garcia)

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with