Jinggoy pambato ni Duterte
MANILA, Philippines — Opisyal nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Jinggoy Estrada na ngayo’y muling tumatakbo bilang senador sa ilalim ng UniTeam Alliance.
“I express my support to Jinggoy Estrada for his candidacy as senator. For his drive and passion for public service, let us give him another chance to carry out his earnest desire to continue the pro-poor programs he initiated in the Senate. I’m confident he will pursue his commitment to address the problems besetting the country through meaningful legislation. In the coming elections let us support Jinggoy Estrada,” ayon sa pre-recorded message ng Pangulo.
Pambato ng Pwersa ng Masang Pilipino, si Estrada ay tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Bongbong Marcos-Sara Duterte ticket. Kilala sa kanyang adbokasiya para sa mga manggagawa, sinusuportahan niya ang mga panukalang taasan ang minimum wage sanhi ng tumataas na presyo ng gasolina, transportasyon at pagkain.
Kapag nakabalik sa Senado, nangako rin si Estrada na maglalaan siya ng sapat na pondo para sa bagong tatag na Department of Migrant Workers.
- Latest