‘Walk the talk’ mahusay na paraan para solusyunan ang korapsyon – Roque
MANILA, Philippines — Sinabi ni UniTeam senatorial candidate Harry Roque na ‘walk the talk’ o ang paggawa ng sinasabi ang pinakamabisang paraan para masolusyunan ang korapsyon sa bansa.
Ayon kay Roque, nagawang labanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katiwalian sa kanyang termino.
“Dapat hindi hipokrito, dapat pinaninindigan ang mga sinabi and I think the President did just that,” sinabi ni Roque nang tanungin ukol sa laban ni Duterte sa korapsyon.
“I think the President as an executive did well by serving, by way of example, by filing all the cases that he could within the limitations of the law since under our constitution the filing of these cases properly belongs to the Ombudsman,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi ni Roque na dapat ding bigyan ng deadline ang Ombudsman para kasuhan ang mga tiwaling opisyal ng publiko dahil masyadong matagal ang pagsasampa ng kaso.
Dapat aniyang may fixed time frames ang Ombudsman para magsagawa ng imbestigasyon.
- Latest