MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Secretary Carlos Dominguez na dagdagan ang ayuda na ipamamahagi sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Sa pahayag ng Pangulo sa isang event sa Malacañang, sinabi nito na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilya na may limang miyembro.
Kaya sabi ni Duterte kay Dominguez na maghanap ng pondo at gawing P500 bawat pamilya ang ibibigay kada buwan.
Bilin naman ng pangulo sa mga benepisyaryo na huwag lamang gastusin ang ayudang pera sa e-sabong.
Matatandaan na sa halip na suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo ay nangako ang gobyerno na magbibigay ng P200 na ayuda kada buwan sa mahihirap na pamilyang Filipino.