^

Bansa

Bilang ng tricycle drivers na isasali sa Pantawid Pasada, hindi sapat! - TODA partylist

Pilipino Star Ngayon
Bilang ng tricycle drivers na isasali sa Pantawid Pasada, hindi sapat! - TODA partylist
Para kay TODA partylist first nominee Rovin Feliciano, malaking tulong para sa mga tricycle drivers ang ayuda sa gasolina ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa tensyong nagaganap sa Ukraine.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Sa halos 4 na milyong bilang ng tricycle drivers sa buong bansa, 113,000 lamang sa mga ito ang mabibigyang ayuda sa ilalim ng Pantawid Pasada na hindi sapat ayon sa TODA partylist, numero 41 sa balota.

Para kay TODA partylist first nominee Rovin Feliciano, malaking tulong para sa mga tricycle drivers ang ayuda sa gasolina ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa tensyong nagaganap sa Ukraine.

Subalit mas mainam aniya kung madaragdagan ang bilang ng mabibiyayaan ng ayuda na matagal nang hinihiling ng sektor ng tatlong gulong.

“Matagal na ring iniinda ng ating mga kasamahaan sa tricycle ope­ration ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina kaya mainam na maipamahagi na ang ayuda sa lalong madaling panahon at hiling namin na dagdagan pa ang bilang ng mabibiyayaan nito,” ayon kay Feliciano.

“Sa maliit na nilang kita bago pa sumipa ang presyo ng produktong petrolyo ay tuluyang na­ging katiting na lamang ang naiuuwi ng tricycle drivers ngayon kaya panawagan namin sa pamahalaan ang agad na pamamahagi ng suporta para sa sektor ng tatlong gulong,” dagdag ni Feliciano.

Kasalukuyan ding nananawagan ang TODA partylist para sa suspensyon ng pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo upang bumaba ang presyo ng gasolinang kinokonsumo ng mga Pilipinong ang ikinabubuhay ay nasa linya ng pamamasada.

TODA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->