Nagpapakalat ng ‘fake news’ kasuhan – presidential bets
MANILA, Philippines — Nagkakaisa ang mga kandidato na dumalo sa Commission on Elections (Comelec) Presidential debate nitong Sabado ng gabi na dapat papanagutin ang sinuman na mapapatunayang nagpapakalat ng ‘fake news’.
Ito ay makaraang kunin ng moderator ng debate na si Luchi Cruz-Valdez ang opinyon ng mga kandidato ukol sa 69% ng mga Pilipino na naniniwala na malaking problema ang ‘fake news’ at 51% ang umamin na nahihirapan silang suriin kung ano ang ‘fake news’ sa iba’t ibang media platforms.
Ayon kay Sen. Manny Pacquiao, dapat lang maparusahan ang nagpapakalat ng fake news dahil marami umano sa mga kabataan ang napapaniwala nila at nakakasira rin ng buhay. Ito rin ang opinyon ni Faisal Mangondato ukol sa pagpaparusa sa umano’y maling gawa.
Kapwa nanawagan naman sina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno na maging mga ‘social media platforms’ ay dapat ding papanagutin dahil sa kanila ‘namamahay’ ang mga fake news na dapat nilang binabantayan.
- Latest