9 kinasuhan sa missing ‘sabungeros’

Nakilala ang mga ito na sina Julie Patidongan Aguilar, Mark Carlo Zabala Evangelista, Virgilio Bayog Pilar, Roberto Matillano Jr., Jonas Alingasa Alegre, Johnry Consolacion Recapor, Herolden Alonto, Gler Cudilla, isang alias Sir Chief at anim na John Does.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isinampa na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice ang kasong kriminal laban sa siyam katao at ilang John Does na pinaniniwalaang responsable sa pagkawala ng ilang sabungero noong Enero 13.

Nakilala ang mga ito na sina Julie Patidongan Aguilar, Mark Carlo Zabala Evangelista, Virgilio Bayog Pilar, Roberto Matillano Jr.,  Jonas Alingasa Alegre, Johnry Consolacion Recapor, Herolden Alonto, Gler Cudilla, isang alias Sir Chief at anim na John Does.

Ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek ay batay sa ibinigay na testimonya ng saksi na si ‘Arvie’, 22, cock handler o nagkokondisyon ng manok panabong.

Positibong kinilala ni ‘Arvie’ ang mga suspek na kumuha sa mga sabungero at nagsakay sa van na nakaparada sa basement ng Manila Arena noong Enero 31.

Patuloy ang imbestigasyon ng CIDG sa kaso gayundin sa kaso ng iba pang sabungero.

Show comments