^

Bansa

Doktor ipinangalan pink orchid 'hybrid' kay Leni Robredo

Philstar.com
Doktor ipinangalan pink orchid 'hybrid' kay Leni Robredo
Litrato ng 2022 presidential candidate at Ikalawang Pangulong Leni Robredo katabi ng "Rhyncholaeliocattleya Leni Robredo"
Mula sa Twitter account ni Raymundo W. Lo

MANILA, Philippines — Pormal nang inirehistro sa Royal Horticultural Society ng United Kingdom ang pink orchid hybrid na "Rhyncholaeliocattleya Leni Robredo" — bagay na ipinangalan sa 2022 opposition presidential candidate mula sa Naga, Camarines Sur.

"My orchid hybrid I named for soon-to-be President Leni Robredo-7 years in the making from pollination to blooming," wika ni Dr. Raymundo Lo, Huwebes, sa isang tweet.

"A labor of love fit for one who labours for Filipinos."

Si Lo ay isang anatomic, clinical at Immuno-pathologist na may 30 taong karanasan ng pagseserbisyo sa Philippine Childrens Medical Center.

Ikinakampanya ni Lo si Robredo, na kasalukuyang kumakandidatong independent presidential candidat. Kilala siya sa pagdadala ng kulay na "pink" habang nangangampanya.

Sa kabila nito, hindi pa ito ibinebenta sa madla at kailangan pa raw makagawa nang maraming kopya nito.

"It’s Rhyncholaliocattleya (Rlc. for short) Leni Robredo," dagdag pa ng doktor patungkol sa bulaklak na may angking bango.

"It’s not yet in commercial production. I have to have it mericloned to get thousands of exact copies of this flower."

Umaasa si Robredo, na kasalukuyang bise presidente ng Pilipinas, na masusungkit ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa halalan sa Mayo at makakaharap ang iba pang mga kandidato gaya nina dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Sen. Manny Pacquiao, labor leader na si Ka Leody de Guzman, Sen Panfilo "Ping" Lacson atbp. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

FLOWER

HORTICULTURE

LENI ROBREDO

ORCHID

PLANTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with