^

Bansa

Marcos sa political dynasties: 'Kung gusto maglingkod, hindi mapipigilan'

James Relativo - Philstar.com
Marcos sa political dynasties: 'Kung gusto maglingkod, hindi mapipigilan'
Larawan ni 2022 presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at anak niyang si Sandro Marcos, na kumakandidato naman bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Ilocos Norte
Released/Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Kahit bawal sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution ang political dynasties, ipinipilit ni presidential bet Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi dapat pigilan ang sinumang gustong pumasok sa serbisyo publiko — pwede naman daw kasi mawala ang political clans kung 'di na iboboto ng tao.

"You cannot stop people from wanting to serve. [My sister] Imee wants to serve. I want to serve. Sandro, my son, wants to serve. What would I tell them? ‘No, don’t help’? Kung binoto naman ng tao, eh 'di they deserve to be in wherever they are," ani BBM, Miyerkules, sa Kapihan sa Manila Bay.

"It’s very clear that the political dynasties, there’s a very good system or process to mitigate the overstaying of political dynasties and it’s called elections."

 

 

Ganyan ang sinabi ni Bongbong, anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong nagsisilbing senador si Imee at kumakandidato bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Ilocos Norte si Sandro. 

Depensa pa ni Bongbong, marami nang political dynasties ang nawala matapos piliin ng mga botante ang ibang mga kandidato upang maluklok.

"Besides, why should Imee not be allowed to work? She does a very good work. Marami siyang ginagawa. Why? Because kapatid ko [siya]?" dagdag pa ng presidentiable.

Layunin ng konstitusyon na ipagbawal ang mga dinastiya, oras na magkaroon ng batas dito, para magkaroon ng "patas na oportunidad" na maglingkod sa serbisyo publiko ang lahat.

The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.

Walang enabling law

Bagama't pinagbabawalan ng Saligang Batas, wala pa ring "enabling law" na naiipapasa ang Konggreso pagdating sa pagbabawal sa political dynasties.

Dahil dito, sabi ni Marcos, hindi pa klaro kung ano ang aktwal na depenisyon ng dinastiya sa konstitusyon. Ilan sa mga dating panukala kaugnay nito ang naglilimita kung ilang miyembro ng pamilya ang maaaring kumandidato tuwing eleksyon. 

Ilan din sa mga madalas pagdebatihan kaugnay nito ay kung gaano kalapit ang mga magkakamag-anak (degree of consaguinity) na pwedeng pahintulutang kumandidato nang sabay.

Kasalukuyang hindi umuusad sa Kamara ang House Bill 110 at HB 145 kaugnay nito simula pa noong 2019. Sa Senado, pending din ang Senate Bill 11, SB 1480, SB 264 at SB 30.

Layunin ng anti-dynasty bills na hindi malimitahan sa iilang pamilya ang pulitikang kapangyarihan sa loob ng gobyerno at bigyan ng pagkakataon ang mas marami na makalahok sa paggogobyerno.

Dynasties isinisi sa term-limits

Ipinupukol naman ngayon ni Bongbong, na running mate ang presidential daughter at may sariling dinastiya sa Mindanao na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang sisi sa pagkakaroon ng political dynasties sa pagkakaroon ng "term limits" sa konstitusyon.

"The term limits makes political dynasties. ‘Pag mayor ako, nine years ako, patapos na ko pero hawak ko pa rin yung bayan at marami pa kong gustong gawin, patatakbuhin yung asawa, patatakbuhin yung anak, patatakbuhin yung pinsan tapos siya tatakbong vice mayor," dagdag pa ng kontrobersyal na kandidato.

"That plays a large part in it. Even people have been talking recently and I happen to agree about how the partylist system has been abused. The term limits have something to do with that."

Hindi naman inilinaw ni Bongbong kung paano niya nakikitang solusyonan ang nakikita niyang "problemang" ito. Madalas palagan ng mga militanteng grupo ang isyu ng pagtatanggal ng term limits lalo na't paraan daw ito upang hayaang makaupo ang mga pulitiko kahit gaano katagal, basta't mananalo.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

POLITICAL DYNASTIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with