MANILA, Philippines — Niyanig ng 6.4 magnitude na lindol ang ilang lugar sa Metro Manila at ilang mga lalawigan sa Luzon kahapon ng alas 5:05 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng pagyanig ay nasa may 110 kilometro hilagang kanluran ng Lubang, Occidental Mindoro.
Umaabot naman sa 028 kilometro ang lalim ng lupa sa naganap na lindol na tectonic ang pinagmulan.
Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa Lubang, Occidental Mindoro at Intensity 3 sa - Nasugbu, Batangas; Tagaytay City, Amadeo, Maragondon, Mendez, Alfonso sa Cavite at Plaridel, Bulacan gayundin sa mga lugar sa Metro Manila sa Quezon City; Taguig City; Mandaluyong City; Makati City; Navotas City at Pasig City.
Intensity 2 naman ang naramdaman sa Talisay, Batangas; Palauig, San Felipe, at Castillejos, Zambales gayundin sa Malabon City at Intensity I sa Parañaque City.
Alas-8 ng umaga kahapon ay nakapagtala na ang Phivolcs ng mahigit 10 aftershocks.