^

Bansa

Ilang lugar sa Metro Manila, Luzon niyanig ng magnitude 6.4 lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ilang lugar sa Metro Manila, Luzon niyanig ng magnitude 6.4 lindol
A magnitude 6.4 earthquake struck Lubang, Occidental Mindoro early Monday.
USGS

MANILA, Philippines — Niyanig ng 6.4 magnitude na lindol ang ilang lugar sa Metro Manila at ilang mga lalawigan sa Luzon kahapon ng alas 5:05 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng pagyanig ay nasa may 110 kilometro hilagang kanluran ng Lubang, Occidental Mindoro.

Umaabot naman sa 028 kilometro  ang lalim ng lupa sa naganap na  lindol na tectonic ang pinagmulan.

Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa Lubang, Occidental Mindoro at Intensity 3 sa - Nasugbu, Batangas; Tagaytay City, Amadeo, Maragondon, Mendez, Alfonso sa Cavite at Plaridel, Bulacan gayundin sa mga lugar sa Metro Manila sa Quezon City; Taguig City; Mandaluyong City; Makati City; Navotas City at Pasig City.

Intensity 2 naman ang naramdaman sa Talisay, Batangas; Palauig, San Felipe, at Castillejos, Zambales gayundin sa Malabon City at Intensity I sa Parañaque City.

Alas-8 ng umaga kahapon ay nakapagtala na ang Phivolcs ng mahigit 10 aftershocks.

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with