Mga Pinoy umaayaw na sa bakuna
MANILA, Philippines — Umaayaw na umano ngayon sa bakuna kontra COVID-19 ang mga Pilipino habang bumababa ang kaso ng impeksyon na dahilan kung bakit sumablay muli ang National Vaccination Operations Center (NVOC) sa target nilang 1.8M na mabakunahan sa “Bayanihan, Bakunahan 4.”
Sinabi ni Health Undersecretary at NVOC head Dr. Myrna Cabotaje na nasa 836,000 indibidwal ang nagawa nilang mabakunahan sa unang dalawang araw ng ‘national vaccination day’ o 44% lamang ng 1.8 milyon sa loob ng tatlong araw.
“Some people still don’t get vaccinated or take booster shots due to complacency because COVID-19 cases are low... We’re already studying which countries [we can donate to] and what brands they can accept,” paliwanag ni Cabotaje.
Magpapatuloy ang Bakunahan Part 4 at palalawigin hanggang Martes sa ilang rehiyon. Iginiit niya na ginagawa na ng pamahalan ang lahat ng paraan para mapalapit sa tao ang bakuna kontra COVID-19.
“Our health workers are really struggling to convince people to get vaccinated...They go from house to house but even though some are at home, they still don’t want to get vaccinated,” dagdag pa ng opisyal.
Sa kasalukuyan, sapat pa ang suplay ng Sinovac at Sputnik V nang palawigin ang ‘shelf life’ nito ng isang taon at tatlong buwan habang may 12-13 milyon pang AstraZeneca ang magagamit pa ng 2-3 buwan pa.
- Latest