MANILA, Philippines — Planong itaas ng mga kasapi ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) ang presyo ng mga de-latang sardinas.
Ayon sa CSAP, hihilingin nila sa Department of Trade and Industry ang pagtaaas ng presyo ng canned sardines dahil sila man ay apektado ng pagtaas ng halaga ng gasolina.
Sinabi ni CSAP executive director Francisco Buencamino, gasolina ang gamit ng mga bangkang pangisda kaya’t matinding epekto sa kanilang operasyon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petroleum products.
Mula pa noong Hulyo 2021 ay hindi na nabago ang itinakdang suggested retail price (SRP) ng sardinas habang hindi naman mapigil ang pagtaas ng presyo ng krudo.
Wala pang presyo ang grupo kung magkano ang itataas sa mga de-latang sardinas.