MANILA, Philippines — Isa ang Department of Education (DepEd) sa mga tanggapan na batbat ang korapsiyon. Nakahanay ang DepEd sa corrupt na Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Bureau of Immigration, Department of Public Works and Highways at iba pa. At nalalaman ito mismo ni DepEd Secretary Leonor Briones.
Batid niya na maraming opisyal at emple yado sa pinamumunuang departamento ang tiwali. At alam din niya na ang katiwalian sa kanyang tanggapan ay isa sa mga dahilan kung bakit napagkakaitan ng edukasyon ang maraming kabataan.
Ang graft and corruption ang hadlang kung bakit hindi mapagkalooban ng may kalidad na edukasyon ang maraming kabataan. Sa kasalukuvan, maraming batang Pilipino na edad walo ang hindi pa marunong sumulat at bumasa.
Ang katiwalian sa DepEd ay nasilip mismo ng Commission on Audit (COA) noong nakaraang taon. Ayon sa COA, P886 milyon na halaga ng self-learning modules ang naatrasado sa reproduction at sa delivery sa may 78 school division offices. Malaki ang naging epekto nito sa distance learning na ipinatutupad sa panahon ng pandemya.
Ayon pa sa COA, may mga pagkukulang ang DepEd sa pagggamit ng pondo na nagkakahalaga ng P8.136 billion para sa DepEd's Basic EducationLearning Continuity Program (BE-LCP), kung saan ang distance learning system ay bahagi nito.
Ganunman sinabi ng DepEd sa isang pahayag noong Agosto ng nakaraang taon na "walang corruption, walang malversation of public funds, walang pagpapabaya at walang betrayal of public trust" sa mga inaakusa ng COA.
Pero ngayon, si Secretary Briones na mismo ang nagsabi na magtatatag ang DepEd ng anticorruption committees (ACC) sa kanilang central, regional at schools division offices para malabanan ang lahat nang uri ng corruption sa tanggapan.
Ayon kay Briones naniniwala sila sa principle na "a public office is a public trust". Sinusuportahan umano nila ang mga proyekto ng Presidential Anti-Corruption Commission.
Malapit nang matapos ang termino ng Duterte administration at maganda na nakaisip pa nang kapaki-pakinabang si Secretary Briones para malabanan ang corruption sa tanggapan.
Sana noon pa ito ginawa para hindi naman naging kawawa ang mga kabataan na napagkaitan ng may kalidad na edukasyon. Sana magtagumpay ang ACC ng DepEd.
Stroke sa kabataan
May tinatawag na “Stroke in the young” kung saan ang kabataan edad 40 pababa ay puwedeng ma-stroke. Narito ang mga posibleng dahilan:
1. Unhealthy lifestyle
Dahil maraming kabataan ay may mga bisyo tulad ng hindi masustansiyang pagkain, sigarilyo at alak, mas maaga silang nai-stroke. Kahit 20-anyos pa lang, puwede nang magka-high blood pressure, diabetes at sakit sa puso.
2. Rheumatic heart disease
Ang rheumatic heart disease ay sakit kung saan nasisira ang heart valves. Kadalasang sanhi nito ay tonsillitis. Ang bacteria mula sa tonsils ay puwedeng lumipat sa balbula ng puso.
3. Congenital heart disease
Ang mga batang may butas sa puso (ASD, VSD at Patent Foramen Ovale) ay posibleng ma-stroke rin. Sa butas ng puso dumaraan ang mga namumuong dugo na nagdudulot ng stroke.
4. Illegal na droga tulad ng shabu at cocaine
Ang shabu ay pangunahing sanhi ng stroke sa kabataan. Pinatataas ng shabu ang blood pressure at tibok ng puso. Kumikipot din bigla ang ugat sa puso at utak.
5. Sobrang ehersisyo
Kapag matindi ang ehersisyo, siguradong tataas ang blood pressure at bibilis ang tibok ng puso. Minsan ay hindi nakakayanan ang pressure ng mga ugat sa utak at pumuputok ito.
6. Pagbubuntis at may high blood
May mga buntis na tumataas ang presyon kapag lumalaki na ang sanggol sa sinapupunan.
7. Problema sa dugo
May mga sakit na nagpapalapot ng dugo ng pasyente at nagdudulot ng stroke. Ang halimbawa ay ang protein S at protein C deficiency, at polycythemia vera.
8. Mainit na lugar
Kapag mainit ang panahon, maraming tao ang nai-stroke. Umiwas sa araw mula 10:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.
9. Ang iba pang dahilan ng stroke sa kabataan
Abnormal na tibok ng puso (atrial fibrillation); Abnormal na ugat sa utak (cerebral aneurysm); Matinding migraine;at Oral contraceptive pills.
Para maging ligtas, magpa-check up ng regular sa inyong doktor.
Pagkain sa lamesa, prinayoridad sa Maynila sa gitna ng pandemya
Nang pumutok ang COVID-19 pandemic noong Marso 2020, apektado ang kabuhayan ng lahat. Ngunit pinakalubhang naapektuhan ang mga mahihirap na lalo pang naghirap nang magpatupad na ang pamaalaan ng magkakasunod na ‘lockdown’ para maampat ang pagkalat ng COVID-19 nitong 2021.
Nakulong sa kanilang mga bahay ang mga pobreng taga-Maynila. Paano na ang kumakalam na sikmura na napapatid lamang kapag may kayod ang kanilang mga miyembro?
Dito hindi nagpabaya ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangungunani Mayor Isko Morenosa paglulunsad ng Food Security Program (FSP) na inumpisahan noong Pebrero 2021.
Aabot sa 700,000 pamilya ang binigyan ng food boxes ng lokal na pamahalaan upang magkaroon ng laman ang sikmura habang nakakulong sa kanilang bahay. Ngunit hindi tulad ng ibang local na pamahalaan na tanging mga mahihirap lamang ang binigyan ng ayuda, sa Maynila walang pinili, maging mga bahay na bato inabutan ng pagkain.
Ngunit hindi naging maayos agad ang programa, maraming reklamo sa mga barangay chairman dahil sa pamimili ng mga bibigyan at ang iba ay sinasarili ang mga food boxes. Dito nagbabala si Moreno na pananagutinang mga opisyal ng barangay na tila labis nanagiging ganid sa ayuda.
“Nananawagan ako sa mga chairman, ayusin niyo po. Sa bawat pagnanais, pag-aasam at pagiging makasarili, at nililista niyo isang pangalan, 25 na pangalan (pero mula sa) iisang pamilya sa - bawat box na makukuha niyo, isang pamilya naman ang mawawalan,” panawagan ng alkalde sa mga Barangay Chairman.
Magmula nito, nagpatuloy ang pagbibigay kada buwan ng food boxes habang nasa ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ noon ang Maynila. Nang lumuwag na, patuloy ang pagbibigay ng food boxes sa mga komunidad na isinasailalim sa lockdown.
Hindi rin pinabayaan ni Moreno ang mga dating residente ng Maynila na na-relocate sa Cavite at Bulacan. Sa kabilana sa ibang lugar na naka-tira, pinahatiran pa rin ng alkalde ng food boxes ang mga dating residente makaraang hindi umano sila maasikaso ng mga lokal na lider ng lugar na kanilang ninilipatan.
Binuksan ni Moreno ang mga bakunahan kahit hindi residente ng Maynila, dinala ang vaccination sa mga malls para maging kumportable ang tao, namigay ng mga anti-viral na gamot kontra COVID sa lahat ng nangangailangan, at nagpatayo ng COVID Field Hospital para pagdalhan ng mga tinamaan ng virus maging residente ng Maynila o hindi.
Tunay na isang hamon sa isang lokal na lider ang pandemya dahil sa kakapusan ng pondo. Sa kabila nito at sa tulong ng pribadong sektor, nagawa ni Moreno ang hindi inaasahan para sa kanilang mga residente at maging sa nga taga-labas ng siyudad.
Sa inaasahang pagtungo sa ‘new normal’ ng bansa, tinatahak ngayon ni Moreno ang bagong hamon sa kaniyang karera bilang politiko sa pagtakbo sa Presidential elections. Tulad ng ibang kandidato, may mga pangako siya para sa tao.
Ngunit hindi tulad sa iba, may pruweba si Moreno ang unahin ang pagkain ng naghihikahos na tulad niya noon na isang batang iskwater ay kumulo rin ang tiyan dahil sa gutom at umasa rin sa ayuda ng pamahalaan.