^

Bansa

Pacquiao, Isko nais ipa-postpone December 2022 barangay elections

Philstar.com
Pacquiao, Isko nais ipa-postpone December 2022 barangay elections
In this Sept. 1, 2020, photo, an elderly woman is assisted while registering to vote in Pasig City.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ilang 2022 presidential candidates ang nagtutulak ngayon ng pagpapaliban ng halalang baranggay sa darating na Disyembre, bagay na makatutulong daw para ilipat ang P8 bilyong pondo nito para sa pandemic recovery at ayuda sa mga tinamaan ng oil price hikes.

Nakatakda kasing mangyari ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa ngayong Disyembre 2022, ilang buwan lang matapos ang halalan sa Mayo.

"Kakatapos lang ng eleksyon by May, itong presidential election, and it will cause us about between P7-8 billion. Now kung mag-eeleksyon na naman tayo... gagastos na naman ang gobyerno ng mga P8 billion," wika ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Huwebes, sa panayam ng ABS-CBN News.

"Sa akin, extend muna natin 'yung barangay election for another year or a year and a half. 'Yung perang gagastusin sa eleksyon, magamit muna natin para ipang-ayuda sa tao katulad 'yung gasolina, o ipang-ayuda sa pagkain, or ipambili natin ng fertilizer. Ang gobyerno ipamahagi sa mga magsasaka."

Aniya, mas okey sa kanya na mapakinabangang direkta ng publiko muna ang perang ito bago magamit sa halalaan lalo na't nasa ika-10 sunod na linggo na ang oil price hikes sa Pilipinas.

Sa kasaysayan, karaniwang tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin oras na tumataas ang presyo ng langis, na siyang ginagamit para i-transport ang iba't ibang produkto sa bansa.

Kahalintulad ang pananaw ni Domagoso sa katunggaling si Sen. Manny Pacquiao, lalo na't pwede raw itong magamit para sa COVID-19 response at economic recovery efforts.

Aniya, hindi pa raw kasi nakababangon ang Pilipinas sa epekto ng pandemya at mangangailangan ng mas maraming pera ang gobyerno upang mapanumbalik ang mga bagay sa dati.

"Nasa period pa tayo ng recovery. Hindi pa tayo nakaka-recover. Sayang naman iyong more or less P8 billion na gagastusin natin sa barangay elections," ayon sa fighting senator nitong Miyerkules. Aniya, pwedeng direktang ibigay sa mga residente ang pera bilang cash aid.

"Mabuti pa siguro iyong P8 billion... malaking halaga iyan eh, ituun natin para sa ayuda, para makabangon muli ang ating mga kababayan na talagang nahirapan sa pandemic."

Kung mahahalal na pangulo, kakausapin ni Pacquiao ang paparating na 19th Congress para magpasa ng batas na magpapaliban sa barangay polls upang mailagay ito sa ibang petsa.

Sinasabi ito ni Pacquiao kahit na nasa pinakamaluwag na Alert Level 1 na ang Metro Manila at 38 iba pang lugar sa pagbaba ng bagong kaso ng COVID-19.

Kanina lang nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan na ngayon ng gobyerno ang posibilidad ng pagpapatupad ng Alert Level 0 kung lalo pang umigi ang kondisyon ng bansa. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

2022 NATIONAL ELECTIONS

BARANGAY ELECTIONS

ISKO MORENO

MANNY PACQUIAO

NOVEL CORONAVIRUS

OIL PRICE HIKES

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with