MANILA, Philippines — Inihayag ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane, Jr. nitong Miyerkules na ipapatupad ng kanyang tanggapan ang “Batas Sagip Saka” at direktang bibili sa mga lokal na magsasaka at mangingisda para sa pangangailangan ng pagkain ng provincial jail at ng 4 na provincial hospital.
Sinabi ni Cane na ang “Batas Sagip Saka” ni vice-presidential aspirant Francis “Kiko” Pangilinan ay makatutulong sa kanyang opisina na gampanan nang mas mahusay ang mga tungkulin nito at mababawasan ang red tape sa pamamagitan ng pag-aalis ng public bidding para sa pagbili ng pagkain ng mga government unit.
Sinabi ni Pangilinan sa mga lokal na opisyal ng lalawigan na “hindi lamang kandidatura nila ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang kanilang isinusulong at ikinakampanya kundi patuloy nilang isinusulong ang kapakanan ng magsasaka at mangingisda”.
Tinanggap ni Cane sina Leni Robredo at Pangilinan sa lalawigan, na nagsasabing malugod niyang tinatanggap ang lahat ng kandidato na sabihin sa Aguseños ang kanilang mga nagawa at plataporma.