^

Bansa

Ngayong Fire Prevention Month: Tangke ng LPG tiyaking orig

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ngayong Fire Prevention Month: Tangke ng LPG tiyaking orig
A worker arranges liquified petroleum gas tanks at a distributor at Kamuning in Quezon City on Wednesday, March 2, 2022. Malacañang on Wednesday called on Congress to review the oil deregulation law amid the sharp increas in oil prices.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa paggunita ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso, pinaalalahanan ni LPGMA Party-list Rep. Allan Ty ang lahat na siguruhing ligtas at hindi peke ang mga LPG tank na gamit sa bahay.

Ayon kay Ty, marami pa ring kumakalat na pekeng tanke ng LPG sa merkado na maaaring pagmulan ng sunog sa mga kabahayan. Kamakailan ay isang residente sa Pasig City ang nakaranas ng biglang pagliyab ng kaniyang LPG habang nagluluto para sa birthday celebration.

“Isinulong natin sa Kongreso ang LPG Industry Regulation Act. Isa na itong batas, at kinakailangang mapatupad ng mga kinauukulan ang mga probisyong nakapaloob dito para matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan,” sinabi ni Ty.

Pinirmahan noong nakaraang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ganap nang batas ang Republic Act 11592 o ang “LPG Industry Regulation Act”. Layon nito na mapalakas ang kapangyarihan ng mga pulis at iba pang ahensiya na mahuli at maparusahan ang mga nagbebenta ng peke at mababang kalidad na LPG.

Samantala, pinaalalahanan naman ng Republic Gas Corporation o Regasco ang mga consumer na tiyakin na tama ang selyo ng mga LPG na binibili at hindi puro kalawang ang basyo. Ito anila ang mga senyales ng mababang kalidad ng LPG, at bukod sa lugi ang mamimili sa biniling produkto ay maaaring magdulot ito ng pagsabog o pagliyab sa mga tahanan.

 

LPG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with