^

Bansa

Edad ng sexual consent itinaas mula 12 sa 16-anyos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Edad ng sexual consent itinaas mula 12 sa 16-anyos
Mula sa dating 12 taong gulang ginawang 16 na taon ang tinatawag na “sexual consent” kung saan ituturing na statutory rape ang pakikipagtalik sa 16 na taong gulang pababa.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na mag-aamiyenda sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 upang mas mabibigyan ng proteksiyon ang mga kabataan kung saan itinaas din ang edad ng “sexual consent.”

Mula sa dating 12 taong gulang ginawang 16 na taon ang tinatawag na “sexual consent” kung saan ituturing na statutory rape ang pakikipagtalik sa 16 na taong gulang pababa.

Nakasaad din sa batas ang pagbibigay ng karagdagang proteksiyon sa mga menor-de-edad na 16 na taon pababa laban sa qualified seduction, child prostitution, sexual abuse, child trafficking at pamimilit sa mga bata na lumabas sa malalaswang publikasyon at palabas.

Pasok naman sa qualified seduction ang pakikipagtalik sa edad 16 taon at higit pa pero wala pang 18 na taong gulang ng sinuman na may kapangyarihan, pari, home-servant, domestic guardians, teacher o taong pinagkatiwalaan ng kustodiya ng menor-de-edad. Sila ay paparusahan ng prision correctional.

Ituturing na rape ang pakikipagtalik sa mga menor de edad na nasadlak sa prostitusyon at iba pang uri ng sexual abuse.

vuukle comment

SEXUAL CONSENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with