MANILA, Philippines — May posibilidad na magbigay na rin ng ikaapat na dose ng COVID-19 vaccines ang pamahalaan na uunahin ang mga senior citizens at mga taong may ‘comorbidities’, ayon sa Department of Health.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagsasagawa na ng pag-aaral ang kanilang mga eksperto para sa ‘4th dose’ ng bakuna sa nabanggit na mga grupo.
“This is being reviewed by our experts, together with the DOH. But for the rest of the population, it is not being recommended yet in those studies,” ayon kay Vergeire.
May inilaan na umanong pondo para sa pagbili ng mga bakuna at pagsasagawa ng mga operasyon sa bakunahan.
Ngunit itutuloy lamang ito ng DOH kung magbibigay na ng ‘go signal’ ang mga lokal na eksperto.
Sa datos ng DOH nitong Pebrero 21, nasa 36 indibidwal na ang maaaring magpaturok ng ikatlong dose ng bakuna o ‘booster shot’ habang nasa 10.1 milyon na ang tumanggap nito.