Maliliit na negosyo hiling tulungan
MANILA, Philippines — Upang manatiling bukas ang negosyo at tiyakin ang trabaho para sa milyun-milyong Pilipino, nais ni dating Senador Jinggoy Estrada na tulungan ang mga micro-, small and medium-size enterprises (MSMEs) na humaharap sa matinding dagok ng COVID-19.
Ani Estrada, ipapanukala niya sakaling makabalik sa Senado ang Paycheck Protection Program na magbibigay ng ayuda o subsidy ang maliliit na negosyo upang may pambayad sa sahod at benepisyo ng kanilang manggagawa. Maari ring gamitin ang bahagi ng ayuda upang ibili ng supplies o raw materials, o maging pambayad ng interes sa utang, renta o bill sa kuryente at tubig. Ang tanging kondisyon lang ay panatilihin ng MSMEs ang trabaho ng kanilang mga manggagawa.
Unang ipinatupad sa Estados Unidos at ginawa rin sa Pilipinas ng lungsod ng Makati, ang Payroll Protection Program ay tugon sa panawagan ng MSMEs na isa sa pinakamatinding hinagupit ng pandemya.
Ayon sa dating Senate president Pro Tempore, magaan sa kalooban na tulungan ang maliliit na negosyante dahil bukod sa mapagkakatiwalaan, nagbabayad sila ng tama sa oras.
- Latest