^

Bansa

Survey trajectory ni BBM, pataas pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit dalawang buwan pa bago ang halalan sa Mayo, napanatili ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang lamang sa mga katunggali matapos makapagtala ng 53 porsyento sa pinakahuling Pulso ng Pilipino survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong Peb. 9-15.

Malayong nasa pangalawa si Robredo na may 16.75%. Pangatlo si Isko Domagoso, 11.25%; Ping Lacson, 8.75 % at Manny Pacquiao, 6%.

Lamang din si Marcos sa lahat ng rehiyon sa bansa na may pinakamataas na bilang sa Mindanao na mayroong 56% kumpara kay Robredo, 11%.

Ang 53% ni Marcos ay mas mataas pa ng 2 por­syento sa huling Pulso ng Pilipino survey ng The Center noong Enero 10-16.

Sa pinakahuling survey, si Marcos din ang na­nguna sa NCR, 51%; Luzon, 53% at sa Visayas, 52%. Pangalawa si Robredo sa NCR, 20%; Luzon, 19% at Visayas, 17%.

Si Marcos din ang nanguna sa lahat ng klase, 43% sa ABC class, 45% sa class D at 40% sa Class E.

Ayon kay The Center Director Ed Malay, ang patuloy na pamamayagpag ni Marcos sa kanilang survey ay nagpapakita na posibleng siya na ang mananalo sa darating na halalan.

Sa karera naman sa pagka-bise presidente, na­ngunguna pa rin si Sara Durerte, 54%; Vicente Sotto III, 25%; Willie Ong, 11%, Francisco “Kiko” Pangilinan, 4%, Joselito Atienza, 2% at Walden Bello, .5% habang 3.5% undecided.

ABC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with