2022 presidential bets sinagot paano gagawing mura bigas atbp. bilihin

Kuha kina 2022 presidential candidates Ka Leody de Guzman (kaliwa), Norberto Gonzales (gitna) at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, ika-17 ng Pebrero, 2022
Video grab mula sa CNN Philippines

MANILA, Philippines — Problema ng Pilipinas sa ngayon ang pagtaas ng presyo ng bilihin, seguridad sa pagkain at pagprotekta sa lokal na mga industriya. Pero ano ba ang plano ng 2022 presidential candidates sa pagsolusyon diyan?

Ang nabanggit ay sinagot nina Bukluran ng Manggawang Pilipino chair Ka Leody de Guzman, dating Defense Secretary Norberto Gonzales at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Linggo, sa CNN Philippines Presidential Debates.

De Guzman

  • Pagtapos sa pag-asa ng Pilipinas sa imported goods at pag-e-export ng mga raw materials (ekonomiyang "import-dependent, export-oriented"), na dahilan daw ng "pagkawasak ng industriyang Pinoy"
  • Pagbitaw sa World Trade Organization (WTO) na nagbabagsak ng napakaraming dayuhang produkto sa bansa sa pagkakatanggal ng mga taripa
  • Pagprotekta sa mga magsasaka para hindi na mag-angkat ng banyagang bawang, bigas, mani, luya atbp. kahit agrikultural na bansa ang 'Pinas
  • Pagsubok ng Pilipinas na paunlarin sariling industriya, agrikultura gaya noong 1960s

Gonzales

  • Pagpigil sa "napakaraming importasyon" ng pagkain para makatulong sa lokal na seguridad sa pagkain habang tinutulungan lokal na magsasaka
  • Pagtitiyak ng sapat na lokal na produksyon ng bigas at palay
  • Pagklasipika ng ilang agricultural goods gaya ng palay bilang "strategic crops," para hindi magutom at malugi ang mga nagtatanim nito
  • Pagbibigay ng subsidyo sa mga nagtatanim ng strategic crops

Domagoso

  • Pamumuhunan ng gobyerno sa Filipino farmers
  • Pababain ang presyo ng kuryente, krudo
  • Mga magsasaka bigyan ng abono lalo na't mahal ang gastos sa mga fertilizers ngayon
  • I-condone ang amortisasyon ng mga lupa ng magsasaka sa mga probinsya hanggang maging kanila na ito at mapagyaman
  • Bigyan ng ayuda ang mga magsasakang nagtatanim ng mga kinakain sa Pilipinas araw-araw nang hindi na mag-import ng mga dayuhang produktong agrikultural
  • Pagpuksa sa smuggling, bagay na nagpapaaray sa mga magsasaka

 

 

Isyu, bakit mahalaga? Matatandaang nag-angkat ang Pilipinas nang mas maraming bigas, asukal, manok at baboy noong 2021 sa pag-asang mapapataas ang suplay na magpapababa sana ng presyo ng bilihin sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Matagal nang problema ang pagbabalanse ng interes ng mga konsyumer habang pinalalakas ang lokal na manufacturers, nagbubungkal ng lupa, atbp. na nasa sektor ng agrikultura.

Show comments