^

Bansa

Pamunuan ng Couples for Christ inendorso Robredo sa halaang 2022

Philstar.com
Pamunuan ng Couples for Christ inendorso Robredo sa halaang 2022
Vice President Leni Robredo, who is running for president, speaks a Valentine's Day event "Pusuan ang Sining at Kultura: State of the Heart" in Quezon City where national artists pledge their support for her candidacy on Monday, Feb. 14, 2022.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inendorso na ng ilang miyembro at leadership ng Katolikong Couples for Christ (CFC), sa pamamagitan ng international council nito, ang kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo sa pagkapangulo sa eleksyong 2022.

Ang naturang pag-endorso ng CFC IC, na binubuo ng 9-person council nito, ay inilabas sa pamamagitan ng isang pastoral letter ngayong Miyerkules.

"We began our discussion of the criteria on the premise and realization that there is no perfect candidate," wika ng nasabing liham kanina.

"At the end of our prayerful immersion and meaningful discussion, the members of the IC reached the decision to support the presidential candidacy of Leni Robredo."

 

 

Kamakailan lang nang iendorso ng 16 dating pangulo ng Philippine Bar Association si Robredo sa dahilang naniniwala silang maibabalik niya ang tiwala ng publiko sa gobyerno. Dagdag pa nila, paalala raw siya na dapat pinaglilingkuran ng rule of law ang taumbayan.

Aabot naman din sa 16 dating opisyal ng gobyerno ang naunang umapela sa mga botanteng Pinoy na pagkatiwalaan si Leni sa dahilang may political will daw siyang magbibigay ng pag-asa at pagbabago para sa lahat.

"We arrived at our individual decision to support Leni Robredo after much prayer, discernment and dialogue. We expect you to do the same and go through the same process of discernment we went through," dagdag pa ng CFC IC sa kanilang kasapian.

"Should your decision differ from ours, we will respect your choice in the spirit of love and brotherhood that has characterized, and will continue to characterize, our being CFC."

Mga pamantayan

Naglatag ng kanilang konseho ng limang criteria na mahalaga raw para sa pagpili ng susunod na pinuno ng Pilipinas, habang tinitignan ang paniniwala ng CFC na maka-Diyos, maka-pamilya, pro-life at pabor sa mahihirap. 

Ilan na rito ang: karangalan, katapatan, kakayahan, karunungan at pagiging may takot sa Diyos.

"Our candidate must be honorable, meaning deserving of honor and respect; exhibiting honesty and good moral character; is fair and proper, not deserving of blame or criticism," dagdag pa ng CFC IC.

"More than intelligence, the leader must be wise, capable of analyzing all aspects of a given situation, and deciding for the common good."

Hindi mag-eendorso bilang buong organisasyon

Inilinaw naman ng leadership na rerespetuhin nila kung hindi susundin ng ilan nilang kasapian ang kanilang pag-endorso, ngunit tinatawagan ang mga Kristiyanong mananampalatayang makisangkot sa prinsipyadong pulitika gaya ng itinuturo ng Simbahan.

Una nang sinabi ng kanilang pastoral letter noong ika-5 ng Disyembre 2021 na hindi mag-eendorso "bilang isang buong institusyon" ang CFC ng mga espisipikong kandidato o partido. 

Hindi gaya ng CFC at Simbahang Katoliko, nagpapatupad ng "bloc voting," o pagdikta kung sino ang dapat iboto, ang ilang grupong relihiyoso gaya ng Iglesia ni Kristo.

Una nang inendorso ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos sa pagkapresidente. Gayunpaman, inilinaw ng kanilang spiritual adviser na si Most Rev. Bishop Teodoro Bacani na hindi ito pag-endorso ng buong El Shaddai. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

CATHOLIC CHURCH

COUPLES FOR CHRIST

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with