^

Bansa

2 araw bago EDSA @36: Publiko binalaan vs paglimot sa abuso ng Martial Law

James Relativo - Philstar.com
2 araw bago EDSA @36: Publiko binalaan vs paglimot sa abuso ng Martial Law
A maintenance worker cleans the surroundings of the Bantayog ng mga Bayani, which honors those who were killed during martial law, in Quezon City yesterday. The late strongman Ferdinand Marcos declared martial law 48 years ago today and kicked off nearly a decade of corruption, human rights abuses and extrajudicial killings.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Ilang araw bago ang anibersaryo unang People Power, ipinaalala ng ilang sektor ang kahalagahan ng hindi paglimot sa mga abusong nangyari sa ilalim ng diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Matatandaang ika-22 hanggang ika-25 ng Pebrero, 1986 nang mangyari ang naturang pag-aalsang bayan sa kahabaan ng EDSA, bagay na dumulo sa pagpapatalsik kay "Macoy." Dahil dito, taun-taon nang ginugunita ito tuwing February 25 bilang special non-working holiday.

Simula nang ipatupad ng Martial Law ni Marcos mula 1972 hanggang 1983, matatandaang umabot sa 70,000 ang kinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 naman ang pinatay, ayon sa Amnesty International.

Ang naturang mga datos ay kinwestyon ni 2022 presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Enero, habang sinasabing hindi niya alam kung saan hinugot ang mga naturang bilang. Aniya, makatutulong daw kung makita niya ito para hindi maulit ang "alleged abuses."

Ito ay kahit na pinayagan ng nakatatandang Marcos ang dalawang Amnesty International messions sa Pilipinas noong 1976 at 1982.

Paalala sa eleksyong 2022

Ayon sa senatorial candidate na si Neri Colmenares, na isa sa pinakabatang political prisoners at torture victims ng Martial Law, napatunayan 36 na taon na ang nakalilipas na kaya ng mga Pilipinong panagutin ang isang diktador at kanyang pamilya.

"We made a clear stand for freedom and democracy, which the world learned from. Through this collective action known as People Power, we proved that indeed, sovereignty resides with the people," ani Colmenares, Miyerkules, na nasa ilalim ng slate ng 1Sambayan kasama nina Bise Presidente Leni Robredo.

"Thirty-six years after, the ousted dictator's son is out to regain the very same helm that his father abused. He has shown no remorse, admits no  guilt or wrongdoing, and even trumpets the old threats and slogans of his father’s dictatorship."

"Electing another Marcos [in 2022] will not only reverse what little gains we have achieved after EDSA but worse, bring back a culture of leadership based on lies, plunder, tyranny, and a disdain for democracy and human rights. We cannot afford to repeat the mistakes of the last 50 years."

Dagdag pa niya, oportunidad ang darating na eleksyon para muling piliin ng taumbayan ang pananagutan kaysa impunity (kawalan ng pananagutan).

Kailangan din daw itakwil ang vice presidential bid ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na "gaya-gaya" lang daw sa mga Marcos. Ang ama ni Sara, na running mate ni Bongbong, ay matatandaang nagpatupad ng martial law sa Mindanao.

'Batas Militar hindi dapat mamiss ng tao'

Ayon naman kina 2022 presidential at vice presidential candidates Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente "Tito" Sotto III, hindi deserve ng taumbayang maulit ang abuso ng Martial Law, maging ang pagkakanakaw ng pera ng taumbayan ng mga Marcos.

"Paano mo makalimutan ‘yung na-ransack ‘yung treasury ng bansa. Pati yung Central Bank, walang kamalay-malay, wala na palang laman, wala na pala ‘yung reserves natin, wala na palang pera kung saan napunta. Paano natin makakalimutan ‘yon?" ani Lacson sa "Meet the Press" forum noong ika-17 ng Pebrero.

"Gusto ba natin mag-undergo uli ng ganoon na dahil sa abuse ay nagkaloko-loko ‘yung bansa natin? Pati ‘yung moral values nawala e kasi sipsipan ang nangyari. Ito ‘yung masamang parang idinulot din."

Bagama't alam ni Lacson ang pagkaurat ng ilang junior military officers noon, hindi siya narekluta ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) kahit na pinapangunahan ito ng kaklase niyang si Gregorio "Gringo" Honasan.

Noong Martial Law, nakatalaga si Lacson sa Metropolitan Command (MetroCom) ng Military Intelligence and Security Group (MISG).

Babala naman ni Sotto, dapat iwasan ng mga Pilipinong maniwala sa kasinungalingang "nakabuti ang Batas Militar sa Pilipinas." — may mga ulat mula kay Angelica Yang

BONGBONG MARCOS

EDSA

FERDINAND MARCOS

MARTIAL LAW

PEOPLE POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with