^

Bansa

Senate bid ni Eleazar suportado ng Pangasinan mayor

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Senate bid ni Eleazar suportado ng Pangasinan mayor
Former PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, who is running for senator under the Partido Reporma, is endorsed by Bro. Mike Velarde during a recent El Shaddai activity in Parañaque City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Malugod na sinalubong ng mga residente ng Lingayen, Pangasinan ang pagdating sa kanilang lugar ni dating Philippine National Police chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar kung saan nakipagtalakayan din siya sa iba’t ibang multi-sectorial group.

Sa kanyang pakikipag-dayalogo, sinabi ni Eleazar na ang kanyang kuwalipikasyon at track record sa public service sa halos apat na dekada ang magsisilbing assu­rance at kredibilidad na maging boses ng mamamayan, partikular ang miyembro ng lipunan na madalas napapabayaan ng gobyerno.

Nagpasalamat din siya kay Lingayen Mayor Leo­poldo Bataoil sa paniniwala sa kanyang adbokasiya at sa suporta nito sa kanyang senatorial bid.

Si Bataoil, na naging kongresista ng ilang termino, ang tumulong na magpakilala kay Eleazar sa kanyang mga kababayan at sinamahan pa sa public market at iba pang lugar sa Lingayen, kasama ang asawa ng dating PNP chief.

“Ang klase ng liderato at serbisyo na ipinakita ni Mayor Bataoil, na naging dahilan upang mahalin at patuloy niyo siyang mahalin, ang klase ng pagseserbisyo na maaasahan ninyo sa akin,” sabi ni Eleazar.

“Kaya pagtulungan na natin ito at tulungan nating i-swak sa Senado ang karapat-dapat na kandidato na subok na sa serbisyo at may napatunayan na manindigan sa tama, at ipaglaban ang tama,” dagdag pa niya, na No. 23 sa balota sa darating na halalan.

Noong siya ay nasa public service, agresibong hinabol ni Eleazar ang mga criminal at drug syndicate kabilang na diyan ang pagwasak ng “kubol system” na naging simbolo ng special treatment ng mga mayayamang preso sa New Bilibid Prison.

Naglunsad din siya ng anti-corruption measures kabilang ang pagpapahinto sa “padrino system” sa Philippine recruitment process.

Sabi pa ni Eleazar, ang public consultation na kanyang dinadaluhan kapag siya ay pumupunta sa mga lalawigan at bayan ang nag-udyok sa kanyang pagsilbihan pa ang taumbayan.

 

GUILLERMO LORENZO ELEAZAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with