DAGUPAN CITY, Philippines — Nanawagan kahapon si Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno sa administrasyong Duterte na magpatupad ng agarang aksyon para mapigilan ang negatibong epekto sa taumbayan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na inaasahang magtutuloy-tuloy pa.
“And I hope by this time, may ginagawa nang measure ang national government. We need to create and generate more economic activity para gumulong ang pera,” saad ni Moreno, sa pagbisita sa nasa limang libong mamamayan ng Cabanatuan City sa Pangasinan.
Inihayag din ni Moreno na kung papalarin na manalo sa halalan sa Mayo 9, sinabi niya na lalaanan niya ng investment ang pagpapalakas sa mga magsasaka upang hindi tuluyang maglaho ang lokal na uri ng mga gulay ng bansa tulad ng bawang at sibuyas na pakonti na nang pakonti ang nagtatanim dahil sa tinatalo ng kumpetisyon sa mga imported na pagkain.
Nalulungkot rin si Moreno na sa kabila ng panawagan na pigilan ang pagtaas pa ng presyo ng abono, ay hindi pa rin kumikilos ang ahensya ng pamahalaan na nakakasakop sa pagsasaka.