^

Bansa

PNP: Pulis na naki-'Oplan Baklas' vs Robredo parurusahan

James Relativo - Philstar.com
PNP: Pulis na naki-'Oplan Baklas' vs Robredo parurusahan
Sa video na ito, makikitang binabaklas ng ilang mga kawani ng Philippine National Police (PNP) ang tarpaulins at posters ni 2022 presidentiable VP Leni Robredo — kahit na bawal ang kanilang ginagawa
Video grab mula sa Facebook ni Danny Pintacasi

MANILA, Philippines — Nagbabala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga kasaping nakikitanggal ng posters ng mga kandidato kahit na may "Oplan Baklas" laban sa diumano'y "unlawful" election materials — hindi kasi sila otorisadong gawin ito.

Sa video na ipinaskil, Miyerkules, makikitang nakikibaklas ang pulis ng tarpaulins nina 2022 presidential candidate Bise Presidente Leni Robredo sa Santiago, Isabela — kahit na nasa pribadong pagmamay-ari ang lugar at isang headquarters.

"This report has reached Camp Crame... Any PNP personnel should not be involved in removing these campaign materials," wika ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo sa panayam ng ONE News.

"[These] incidents [are] now being investigated and validated and rest assured that those PNP personnel found violating existing protocols will be reprimanded if not penalized for their actions."

Kahapon nang simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang "Operation Baklas" para tanggalin ang mga election materials na ikinakabit sa mga lugar na hindi pinahihintutulan ng batas. Sa Metro Manila, gumulong ito sa Pasay, Makati, Mandaluyong, Quezon City, Pasig at Caloocan.

Kasama sa mga tinatanggal ng mga otoridad ang mga poster na nasa non-common poster areas, pati na 'yung mga sobra-sobra sa laki.

"While it is deemed illegal for violation of existing Comelec guidelines... PNP personnel should be limited in providing security while Comelec and other government agencies like [Department of Public Works and Highways] and [Department of Environment and Natural Resources] are removing these campaign materials," patuloy pa ni Fajardo.

Iligal na tanggalan ng posters?

Ayon kay 2022 senatorial candidate Chel Diokno, isang human rights lawyer na tumatakbo sa ilalim ng ticket nina Robredo, labag sa 1987 Constitution ang pagtanggal ng PNP at Comelec sa mga campaign materials na nasa pribadong lugar kung walang pahintulot ng may-ari at walang search warrant.

"Unang una, walang kapangyarihan ang COMELEC at PNP na mambaklas ng mga poster at tarp—kahit anong laki niya—na nasa private property at hindi inilagay ng kandidato o partidong politikal," ani Diokno sa Facebook, Huwebes.

"Pangalawa, hindi pwedeng mambaklas ang COMELEC at PNP ng mga poster o tarp sa private property kung wala munang prior NOTICE at HEARING."

Bukod pa rito, hindi raw pwedeng pumasok ang Comelec at PNP sa loob mismo ng bahay, opisina o anumang private property kung walang search warrant mula sa hukom kung walang pahintulot o consent.

Una nang sinabi ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na tanging mga election materials na prinoduce ng mga kandidato o partido ang pwedeng tanggalin alinsunod sa Comelec Resolution 10730.

Sa video na ito, makikitang tinatanggal ang mga poster ni Robredo kahit na nasa loob lang ito mismo ng isang establisyamento at wala sa labas para makita ng publiko.

Mga ligal na hakbang

Narito ang ilang payo ngayon ni Diokno sa mga nakaranas ng poster removals nang walang warrant, walang pahintulot, walang notice at hearing sa loob ng private property:

  • Magsampa ng civil case sa ilalim ng Civil Code para magbayad ng damages o daños, laban sa mga pulis, miyembro ng COMELEC at iba pang opisyal ng pamahalaan na nagsagawa at nag-utos nito
  • Magsampa ng administrative case laban sa mga pulis, miyembro ng COMELEC at iba pang opisyal ng pamahalaan na nagsagawa at nag-utos nito, sa ilalim ng R.A. 6713 atbp. mga batas
  • Magsampa ng kasong kriminal sa ilalim ng Revised Penal Code, laban sa mga pulis, miyembro ng COMELEC at iba pang opisyal ng pamahalaan na nagsagawa at nag-utos nito.

Nananawagan ngayon ng ligal na aksyon ang campaign team ni Robredo hinggil sa tarp removals: "It was a very arbitrary act of the Comelec because said persons were never given the chance to be heard which violated their procedural right to due process when said campaign materials were removed without any hearing," ani election lawyer Romulo Macalintal.

"They can file a class suit before the Supreme Court so that other parties can join. Not just Robredo, but also [former Sen. Ferdinand] Marcos, Leody de Guzman, [Sen.] Manny Pacquiao, all of them can join," sabi pa niya sa Filipino.

Hindi pa naman sumasagot ang Comelec hinggil sa alegasyong may "abuse of discretion" ang komisyon pagdating sa pagtanggal ng posters sa loob ng mga pribadong lugar.

2022 NATIONAL ELECTIONS

CHEL DIOKNO

COMMISSION ON ELECTIONS

LENI ROBREDO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROMULO MACALINTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with