National ID kikilalanin na sa lahat ng transaksyon

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang PhilSys (Philippine Identification System) ang magiging sentro ng identification platform ng gobyerno para sa lahat ng mga mamamayan at residenteng banyaga sa bansa.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katiba­yan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo.

Sinabi ni Duterte na ang PhilSys (Philippine Identification System) ang magiging sentro ng identification platform ng gobyerno para sa lahat ng mga mamamayan at residenteng banyaga sa bansa.

Nakapaloob din ito sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act, kung saan ang record ng isang mamamayan sa PhilSys ay ikokonsiderang sapat na patunay ng identiy at edad ng isang indibiduwal.

Ang PhilSys din ang magsisilbing opisyal identification document na inilabas ng gobyerno at opisyal na katibayan ng identity ng mga cardhol­ders sa pakikipag-transaksiyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Inaatasan ang lahat ng mga bangko at pinansiyal na institusyon na sumunod sa guidelines na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang regulatory agencies tungkol sa PhilID, PSN o PSN Derivative.

Show comments