MANILA, Philippines — Sasama na rin sa 2022 presidential debates na iho-host ng media outlet ng wanted na si Apollo Quiboloy ang dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte at pambato ng Philippine Democratic Socialist Party.
Sa ulat ng SMNI News, Martes, sinabing sasabak mamayang 6pm hanggang 10pm sina Ernesto Abella at Norberto Gonzales — na kasalukuyang mababa sa pinakahuling Pulse Asia surveys. Ang ulat ay kinumpirma na rin ng mga kampo nina Abella at Gonzales.
Related Stories
MAMAYANG GABI NA!!!
Samahan ninyo kaming kilalanin at kilatisin ang mga matatapang na sumabak sa pinaka-inaabangang SMNI Presidential Debate 2022!#SMNIelectionwatch2022#ItuloyAngPagbabago#TruthThatMatters pic.twitter.com/h7JLH7wfDa— SMNI News (@smninews) February 14, 2022
Una nang naibalita na a-attend din dito sina Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi presidential candidate Faisal Mangondato ngunit hindi na dadalo sa dahilang "hindi siya nakakuha ng pormal na imbitasyon."
Lunes nang kumpirmahin nina Ka Leody de Guzman at dating Sen. Bongbong Marcos na dadalo sila sa presidential debates mamayang gabi. 'Di naman makakapunta sina Bise Presidente Leni Robredo, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Panfilo Lacson at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.
Ilan sa naging dahilan ni Pacquiao ay ang pagiging wanted dahil wanted sa sex trafficking ng mga bata si Quiboloy. Tumanggi naman dito si Lacson dahil una nang inendorso ng Quiboloy si Bongbong, habang may iba nang naplano sina Robredo at Domagoso ngayong araw.
Marcos hindi aatras?
Iginiit naman ni Bongbong na tutuloy siya sa debate mamaya, kahit na una na siyang tumangging dumalo sa tatlong presidential forums at interviews gaya ng kay Jessica Sojo ng GMA, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at CNN Philippines.
"I made a commitment to join the SMNI event and, in fact, I’ve signed the agreement for my attendance," ani Bongbong sa isang press release.
"Kapag nag-oo ako na sasali ay tutuparin ko kahit sino ang nag-imbita at kahit gaano man ka-hostile and inaasahan kong mga tanong. But I commit and say yes only if my schedules will permit."
Makakaharap ni Marcos si De Guzman sa debate, na kilalang labor rights activist at lumaban sa diktador na ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
'Leody dudurugin si Bongbong'
Personal namang sasamahan ni VP candidate Walden Bello ang kanyang presidential running mate na si Ka Leody, na nakikita niyang lalampaso diumano kay Bongbong mamaya.
"I will be watching Ka @LeodyManggagawa in his debate with Marcos Jr. tonight," wika ni Bello, na kilala ring aktibista noong Martial Law at nagpapakilalang sosyalista.
"I'll be there to see my hero rip the son of the dictator to shreds and share his vision of the Philippines' future with a national TV audience. Go, Leody!"
I will be watching Ka @LeodyManggagawa in his debate with Marcos Jr. tonight.
— Walden Bello (@WaldenBello) February 15, 2022
I'll be there to see my hero rip the son of the dictator to shreds and share his vision of the Philippines' future with a national TV audience. Go, Leody!#ManggagawaVsMagnanakaw #KaLeodyVSKaWatan