^

Bansa

'Absent in tandem': Marcos, Duterte-Carpio hindi dadalo sa CNN Philippines debates

Philstar.com
'Absent in tandem': Marcos, Duterte-Carpio hindi dadalo sa CNN Philippines debates
Litrato nina presidential candidate at dating Sen. Bongbong Marcos (kaliwa) at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio
Released/Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Sa ikatlong pagkakataon, hindi sisiputin ni 2022 presidential candidate at dating Sen. Bongbong Marcos and election event ng isang major media organization — sa pagkakataong ito ang presidential debates na inihanda ng CNN Philippines para ika-27 ng Pebrero.

"Due to the schedules we have already confirmed for the UniTeam’s campaign commitments, we are unable to accept this additional engagement at this time," paliwanag ng kampo ni Marcos sa ulat ng CNN Philippines, Lunes.

Siyam sa 10 presidential bets ang sasali sa naturang debate, kabilang na riyan sina:

  • Leody de Guzman
  • Dating presidential spokesperson Ernesto Abella
  • Jose Montemayor Jr.
  • Dating defense chief Norberto Gonzales
  • Sen. Manny Pacquiao
  • Faisal Mangondato
  • Sen. Ping Lacson
  • Manila Mayor Isko Moreno
  • Bise Presidente Leni Robredo

Una nang sinabi ni Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, na iiitsapwera nila ang mga debate, forum atbp. na sadyang pagsasabungin ang mga kandidato.

Enero lang nang hindi um-attend si Bongbong, anak ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos, sa presidential interviews ni Jessica Soho sa GMA-7.

Pebrero naman nang igiit ng kampo nina BBM na may "conflict of schedule" nang hindi sila makapunta sa presidential forum na inihanda ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. 

Inday Sara missing-in-action din

Hindi lang si Marcos ang hindi pupunta sa debate ng mga kandidato sa halalang 2022 — pati na rin ang running mate ni Bongbong sa UniTeam na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio pagdating sa CNN Philippines vice presidential debates sa ika-26 ng Pebrero.

Ayon sa media outfit, hindi nagbigay ng paliwanag ang presidential daughter pagdating sa kanyang nakatakdang pagliban.

Sa ngayon, kumpirmado na ang attendance ng VP bets na sina:

  • Buhay Rep. Lito Atienza
  • Dating Akbayan Rep. Walden Bello
  • Manny SD Lopez
  • Rizalito David
  • Sen. Kiko Pangilinan
  • Carlos Serapio
  • Senate President Vicente "Tito" Sotto III
  • Willie Ong

Ang presidential at vice presidential debates ay imo-moderate ng mga anchor ng CNN Philippines. Gaganapin ang pareho sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 5 p.m. hanggang 7 p.m. 

A-attend nang live ang mga kandidato habang virtual naman ang audiences sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ipapalabas sa free TV sa pamamagitan ng CNN Philippines (Channel 9) ang mga debate habang ila-live stream naman ito sa opisyal na Facebook site ng media outfit. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

CNN PHILIPPINES

DEBATES

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with