^

Bansa

Demokrasya mananaig kay Ping: Martial Law wala sa bokabularyo

Pilipino Star Ngayon
Demokrasya mananaig kay Ping: Martial Law wala sa bokabularyo
Wala rin sa bokabularyo o hinding-hindi magdedeklara ng Martial Law sa ilalim ng kanyang administrasyon kung siya ang magiging susunod na pangulo ng bansa.
The STAR / Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Partido Reporma chairman at presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson na mananatili ang demokrasya sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon kung siya ang magiging susunod na pangulo.

Wala rin sa bokabularyo o hinding-hindi magdedeklara ng Martial Law sa ilalim ng kanyang administrasyon kung siya ang magiging susunod na pangulo ng bansa.

“Definitely, democracy will be preserved. Walang martial law, walang dictatorship,” sabi ni Lacson sa panayam ng mga mamamahayag matapos ang kanyang campaign rally sa Mawab, Davao de Oro.

Paliwanag ni Lacson, nilinaw na sa Konstitusyon ang kahulugan ng Martial Law at mga probisyon na nakapaloob dito sakaling kailangang ipatupad sa bansa, para magkaroon ng klarong mga pamantayan at restriksyon na sisigurong hindi ito maabuso.

“May limitasyon ang deklarasyon ng martial law as if there is no martial law. Kasi, first, 60 days lang, ano—i-va-validate ng Congress. Pagkatapos the Bill of Rights are well-entrenched. Hindi magagalaw. Hindi pwedeng mang-aresto ng maski sino maski merong martial law,” pahayag ni Lacson.

Una nang iginiit ng kampo ni Lacson na hindi mauulit ang martial law sa kanyang pamumuno, salungat sa akusasyon ng kanyang mga kritiko na inililigaw ang mga Pilipino sa naging partisipasyon niya rito bilang dating intelligence officer ng gobyerno.

Tinanong rin kay Lacson ang naging laman ng kanyang talumpati hinggil sa pagbibigay niya ng paalala sa mga Pilipino na huwag bumoto ng mga tiwali at magnanakaw.

Tumanggi siyang pa­ngalanan kung sino ang kandidatong ito ngunit binabala ni Lacson na talamak pa rin ang mga galawan para maiba ang pananaw ng mga botanteng Pilipino at mahalal ang mga politikong magnanakaw lamang sa taumbayan.

Sa kanyang pagbisita sa Mindanao, inilatag ni Lacson ang kanyang mga plataporma para mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa ‘Food Basket of the Philippines’. Magagawa umano ito kung matatanggal ang mga tiwali sa gobyerno na ipinangako niyang matutupad sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“Dapat talaga alisin, i-cleanse talaga ‘yung mga inept, corrupt, undisciplined officials and employees,” ayon kay Lacson na may mga panatang “Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino” at “Uubusin ang Magnanakaw” sa kanyang kampanya bilang susunod na pangulo ng bansa.

MARTIAL LAW

PING LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with