^

Bansa

Sen. Win, Bistek laglag sa senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sen. Win, Bistek laglag sa senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem
Sa isang tweet sinabi ni Senador Panfilo Lacson na tanggal na sa line-up si Sen. Win Gatcha­lian at dating QC Mayor Herbert Bautista na may iba na umanong piniling suportahan na prinisipyo at adbokasiya.
Pang-Masa / File

MANILA, Philippines — Nililinis na nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang kanilang senatorial line up para sa darating na eleksyon.

Sa isang tweet sinabi ni Lacson na tanggal na sa line-up si Sen. Win Gatcha­lian at dating QC Mayor Herbert Bautista na may iba na umanong piniling suportahan na prinisipyo at adbokasiya.

Si Gatchalian at Bautista ay kasapi ng Nationalist Peoples Coalition kung saan si Sotto ang national chairman na hindi dumalo sa proclamation ng Lacson-Sotto Tandem sa Cavite, subalit present naman sa kandidatura ng Marcos-Duterte tandem sa Bulacan.

Sinabi naman ni Sotto na inaalam pa nila kung kapanalig pa nila sila Sen. Richard Gordon at dating Vice-President Jejomar Binay na kapwa wala sa kanilang rally.

Sa ngayon ang kani­lang ini-endorso ay sina Senators Joel Villanueva, Migz Zubiri; dating senators Loren Legarda at JV Ejercito, Gringo Honasan at Chiz Escudero.

Gayundin sina da­ting PNP Chief Guillermo Elea­zar, dating Congressman Monsour Del Rosario, Dra. Nikita Padilla, Raffy Tulfo at dating Agriculture Secretary Manny Piñol.

Nauna nang sinabi ni Sotto na mayroon silang usapan na pwedeng makasama sa kanilang senatorial line-up basta wala silang hayagang i-eendorso sa pagkapangulo at pangawalang pangulo.

Sinabi naman ni Gat­chalian na nirerespeto niya ang desisyon ng tambalang Lacson at Sotto at bagamat wala siya sa line up ng dalawa ay mataas pa rin ang respeto niya sa dalawa.

PANFILO LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with